Kunot-noo lang si Thirdy na nakatitig sa lumuluhang senyora. Hanggang ngayon hindi pa rin ma-proseso sa kanyang utak ang ibig nitong sabihin. Napasulyap siya sa katabing si Alina. Ngumiti lang ang naturang dalaga. "Ibaba mo muna ako, mas maiging magkausap kayo ng ina mo ng masinsinan, Thirdy," nakangiting tugon ni Alina, dahan-dahan na man siyang ibinaba ng binata at saka siya nagpasyang lumayo muna ng kaunti sa mag-ina. Sumenyas si Hercules kay Alina at sumunod na man si Alina dito. Samantalang si Lucas at Celina ay nanatili sa kanilang pwesto. Lumapit na man si Mateo kay Norain at Lance. Napasulyap agad si Norain sa binata, lihim siyang nainis sa panloloko ni Mateo kanina, mabuti nalang at naibaling niya ang atensiyon sa kuya Thirdy niya. Pero ang totoo, masayang-masaya siya nang m

