Chapter 15

1401 Words
Juniper’s POV Something shifted in his expression then. Not disappointment, but relief. Mas magaan ang aura niya ngayon compared sa nakaraan naming pagkikita. “For someone who likes staying hidden,” he murmured, “you’re incredibly hard to find… and ignore.” I laughed softly, shaking my head. “That’s just bad luck on your part, Mayor.” “River,” he corrected without me thinking. The way he said it was simple and unguarded. Ibang iba sa nauna naming pag-uusap. . “Alright,” I said. “River.” Another pause. This one warmer. Less defensive. Pinutol ko na naman ang katahimikan. “Months. Ganun katagal bago niyo naisipan ang sd card ng cam mo? That’s slow. I know someone who can discover me fast, Mayor.” May pangisi ko pang sambit. Mahina ang kampo niya at iyon ang pinag uusapan namin nila Jeff nung nakaraan. Nailing siya. “I’ve never thought of my surround view cam. And yes, mabagal nga sila.” “That’s brain fog. Or probably because of the impact of your accident. Pa check up ka ulit, Mayor.” At doon na siya natawa. Malakas. Punong-puno ng saya. Nakahawak pa siya sa magkabilang waist niya. I’ve seen him smile at cameras, but never thought he could laugh like this. “Juniper!” “Yohooo! Juniper!” Mas napatuwid ang tayo ko nang marinig ko ang boses ni Suhanna and Rami. Mabilis ang takbo nila palapit sa akin ag halos matumba ako. Napatingin ako kay Rivee at nakita ko ang pagtango niya na para bang nakukuha niya ang reaksyon ko. “Hello, Juni– Mayor!” “Ay, si Mayor?!” Sabay pa silang napatili pagkalapit sa akin at nung makita si River. Napatalon pa si Rami at hindi alam kung sa akin or kay Suhanna ba kakapit. Ganoon din si Suhanna, malaki ang mata at halatang natutuwa sa nakita. “Oh my god, Mayor!” sigaw ni Rami at mas lumapit kay River saka humawak sa braso nito. Tumaas ang kilay ko sa gulat saka nailing. It was the usual and common reaction ng kababaihan– matanda man o mapabata kapag nakikita nila si Mayor River. Para bang nakita nila sa personal ang artistang crush nila. “Mayor! Pwede papicture?” agad na sambit ni Suhanna at inilabas ang phone. Umatras ako para bigyan sila ng space dahil hindi na mawari ang kasiyahan nilang dalawa. “Okay, sure!” sagot ni River dito. Mas tumili ang dalawa nung magsalita ito. Tumingin sa akin si River, may pagtatanong sa mukha nito. “My workmates… friends,” nakangiti at mahina kong sambit sa kanya. Tumango ito sa akin at mas in-entertain ‘yung dalawa. Nakita ko kung paano mas lumaki ang ngiti nung dalawa habang kausap nila si River. This is also my first time seeing him closely interact with anybody. Alam niyo naman kung gaano ako hindi ka-interesado sa kanila. Iyong pakikitungo at aura niya kay Rami at Suhanna ay parehas na parehas sa kung anuman ang nakikita ko sa tv. Natura na natural, walang halong kaplastikan. walang tensyon, walang bigat, at walang pakiramdam na kailangan mong mag-ingat. May kung anong pamilyar akong naramdaman, isang tahimik na paalala kung bakit ko kinamumuhian ang karamihan sa mga taong tulad ni River. Biglang sumikip ang pakiramdam ko kaya umiwas ako ng tingin sa kanila. “M-Mauna na ako,” mahina kong sambit at agad silang tinalikuran. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Rami pero hindi ko iyon pinansin. Mabilis akong nakarating sa bar counter at inilapag ang tray. Agad akong pumunta sa kabilang parte dahil andoon ang daan papunta sa VIP area na pinareserve ko para sa amin. Agad akong nagulat nang makita ko si Sielo na nakatingin sa akin. Nakadekwatro siya at mataman ang tingin sa akin. Sa sandaling iyon na pagkakita sa kanya at napagbuntong hininga ako– para bang nawala ang bigat na biglaang naramdaman. “Kanina ka pa?” tanong ko at umupo sa harapan niya. Hindi siya sumagot at nagkibit balikat na lang. Alam ko na yang tingin na ‘yan, kung medyo kanina pa siya andito, malamang ay nakita niya ako na kausap si River. Bago siya makapunta rito ay matatanaw niya ang pwesto namin ni River kanina. “Are you okay?” he asked, instead. Napasandal ako sa kinauupuan at tumango. “We talked about how I was able to save him from that accident. At tama ‘yung napag usapan natin nakaraan nila Jeff na parang sadya ‘yung nangyari kay River. Parang pinapahiwatig niya sa akin kanina na para bang may mali sa ginawa ko. ” Sielo smirked. “So, Hart and I were right.” Kumunot ang noo ko at nagpatuloy siya. “His accident was intentional. Maganda lang ang sasakyan niya, but we know cars better than he does. And we already encountered different cases like that. He thought nobody would notice.” “So… River had thoughts of taking his own life?” mahina kong tanong, halos hindi ko mabigkas nang buo. “But why? He has everything. He has the power, the money… the influence. He literally has the whole city in his hands.” Napasinghap ako, pilit hinahanap ang tamang salita para ipaliwanag kung gaano kabigat at ka-absurd pakinggan. “Parang wala na nga siyang mahihiling pa,” dagdag ko, mas bumaba ang tono ng boses ko. “He got the life people dream about. The kind of life people would do anything just to have. Yet… he still looks like he’s drowning.” Saglit akong natahimik. Parang may malamig na humaplos sa batok ko habang unti-unting nagsisink in ang posibilidad. “Maybe,” sabi ko, halos pabulong na, “having everything doesn’t mean you’re okay.” Huminga ako nang malalim, saka ako napatingin sa kanya, seryoso. Nagkatitigan kami ni Sielo, iyong tingin niya sa akin ay iba na para bang may iba sa sinabi ko. Nakita ko ang unti-unting pag-angat ng gilid ng labi niya. “You meeting him personally really changed something, huh?” “What?” He shook his head. “You never talked about someone like that.” Hindi ako nakasagot. Umiwas lang ako ng tingin kay Sielo. Diretsahan. Walang paligoy. “You’re worried,” sabi niya. “Not just concerned. You’re worried. Like… genuinely.” Tumaas ang kilay ko. “Ano bang pinagsasabi mo? Is it bad? We used to do this kind of talk before sa mga naging client natin.” Bahagya siyang natawa at sinipa ang paa ko sa ilalim ng mesa kaya binawian ko siya. “That’s the thing,” sagot niya. “It’s not bad. It’s just… unexpected. Coming from you.” Saglit siyang natahimik bago niya muling tinignan ako. “Juniper, you don’t get worried about people you hate.” Napasinghap ako. “Yes, I hate him. I hate what is happening, Sielo.” Minata niya ako. “Then get used to this. Parte ‘to ng nangyari at nagawa mong pagligtas sa kanya. Whatever happens, he’s part of it.” Na kahit anong gawin kong pagtatago o pag-iwas sa kanya ay magkikita at magkikita kaming dalawa. “Hindi natin makokontrol ang nasa isip ni River, Juniper. Maaaring malaman natin ang mga plano niya, but there will be always a plan b. Matalino ang lalaking ‘yon, and he will always be one step ahead.” Bumilis ang paghinga ko sa narinig. Ramdam ko ang pag-angat ng dibdib ko. I don’t want this. Inabot ako ni Sielo at ginulo ang buhok ko, tumayo siya at mas nilapitan ako para bigyan ng mababaw na halik ang ulo ko. Nahampas ko ang balakang niya at natawa siya. “Don’t think too much. Si River lang ‘yan.” “Hindi naman!” Lumayo siya sa akin at ngumisi. “Baka may gusto mangyari si Lord kaya kayo pinaglalapit.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napatayo. Lumayo siya sa akin at tumalikod. “Invite him to dine with us tonight, Juniper–” “No– No! Sielo, don't you dare!” Naging malalaki ang hakbang niya papalayo sa akin at halos matumba ako sa kinatatayuan. Nakapadyak ako sa inis. Narinig ko ang pagtawa niya. “He’s already here, wala ka nang magagawa. Be professional, Juniper!” “Ano?!” At doon mas umusbong ang inis ko sa lalaking ‘yon. “S-Sielo!” sigaw ko at hinabol siya. Aaaah! I hate this man!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD