Juniper’s POV
Would you believe me if I said I once worked a job like Sielo and Papa? They weren’t ordinary men with ordinary careers, it was a job that somehow lived in the shadows, chasing truths most people would rather keep buried because they moved quieter, sharper and far more dangerous.
I was part of that world too, though only for a short while. Tumagal lang iyon ng dalawang taon, but those two years were enough to change me. I wasn’t an agent, not exactly. I was hired as a private nurse for the team, caring for men and women who carried wounds no hospital could ever record. In those nights, between whispers of classified missions and half-kept secrets, I was there.
My presence gave them access, my cover gave them time, and my silence gave them protection. I was trained when I was young because of Mama and Papa. I was a bridge… someone who could stand in the light while they moved in the dark. It was dangerous, intoxicating, and far too heavy for someone like me to carry for long.
There were ups and downs. They let me rest for a while but I never came back. I have my reasons and they accepted it, so I freely worked in that hospital. When I stopped working with them, natahimik ang mundo ko. My world went back to normal and where it was.
“You, okay?”
Iniangat ko ang tingin at nakita si Rami na nakangiti sa akin habang hawak hawak ang clipboard niya.
“Ahm, yes?” alanganin kong sagot.
May itinuro siya at napatingin ako doon. I gasped at what I saw on my computer screen. The document I was typing is already messed up, iisang letter na paulit-ulit ang nakatype doon at halatang napindot iyon ng matagal.
“Ah, damn!” bulalas ko at binura iyon.
Narinig ko ang tawa ni Rami. “You’re spacing out, girl.”
“Oh, really?”
Napatango siya. “Yes, I was looking at you for a long time. Naisipan na kitang lapitan dahil lunch time na.”
Napatingin ako sa orasan at nakita na 2pm na. Mahina akong natawa at nilagay sa sleep mode ang computer ko. Nakakaloka ka, Juniper!
Rami invited me to have lunch with her since Suhanna is on leave. We're not that super close pero sila sila lang din ang nakakasama ko whenever we're on a break, same area lang din naman kasi kaming tatlo pero mas matagal na sila kaysa sa akin.
I bought chicken caesar salad and lumpiang togue for lunch in the afternoon. As a healthcare worker, maraming pagkakataon na hindi na talaga nasusunod ang 11am or 12noon lunch break namin. Hindi pwedeng mawalan ng nurse ang area, hangga’t maaari ay kailangan may maiwan. You are lucky if nag breakfast ka before ang shift mo or hindi busy ang area.
“How’s your day?” Rami asked while we were eating.
“Good! Just like my usual days. How about Susanna?”
She smiled at me. “Inaayos niya ‘yong passport niya kasi nawala raw,” sagot nito.
“Oh, may travel siya?” I asked.
Rami nodded. “Oo! Alam mo naman ang babae na ‘yon, si Dora!” Parehas naman kaming natawa.
If I was a guy, I would have a crush— si Rami and Suhanna na ‘yon. They are both gorgeous and kind. They actually have the same height, pero ako ang matangkad sa kanila. Rami loves to eat, dance, hike and run. Suhanna loves to travel and hiking also. Kaya talagang nagkasundo ‘tong dalawa, marami silang hilig na pinagkakasunduan at ginagawa ng magkasama. Mabait at maayos naman sila kasama, may mga times lang na makulit at maingay sila.
“By the way, alam mo na ba?” aniya.
Kumunot ang noo ko sa narinig. “Ang alin?”
Bahagyang nalungkot ang mukha niya peo agad din napawi iyon at saka nginitian ako ng pagkalaki-laki. “Nagkaroon daw ng assembly ang Office of the Mayor and several hospitals—”
“Office of what?” I asked her, just wanted to make sure kung tama ba ang narinig ko.
“Office of the Mayor!” aniya at lumingon sa paligid na para bang nag-iingat na baka may nakarinig sa kanya.
“Aaah, okay? For what? May nangyari ba?” sunod sunod kong tanong.
“Looking for a private nurse daw sila Mayor River— huy? Okay ka lang?” Mabilis akong inabutan ni Rami ng tubig dahil nasamid ako. Chill, Juni. You’re too obvious.
“Ahm, yes. B-Bakit nila need?” I asked Rami.
Nginitian niya ako. “They will be conducting a health mission for two to three months and aside from that, they’re looking for someone to look at employees sa buong city hall. Two or three nurses and one on-call Doctor.”
“He really loves his employees, huh?”
Mahinang natawa si Rami sa nabanggit ko. “Sinabi mo pa! Medyo weird nga kasi bakit pa nila need ng assembly? Mostly ng ganyan ay hiring na lang to give opportunity ba sa mga gusto ng work. Tapos ngayon may pa-ganyan pa?”
Napatango ako, iyong tiyan ko ay halos namimilipit na sa kaba. Ewan ko ba, simula nung ma-meet ko si River sa Velvet & Vine ay nagiging kabado na naman ako kahit na dapat ah wala naman akong pake. Parang mas lumalaki na ang tsansa na makikilala na niya ako.
“Let me guess, hospital na natin ang nasa listahan nila?”
“Tumpak!”
“Kaya ka pala kinikilig diyan!” pang-aasarnko rito pero hindi mawala-wala ang ngiti sa labi niya at ang pamimilog ng mata niya.
Nilagay niya ang dalawang palad sa pisngi. “Eeeeh! Si Mayor na ‘yon, eh! Hindi ka ba nagagwapuhan sa kanya? Nasa kanya na ang lahat eh! At saka siya ang dream man ng karamihan!”
Nailing ako at nakita ko ang pagsimangot ng mukha ni Rami kaya bahagya akong natawa rito. “Not interested,” sambit ko.
“Tsk! Kahit isang beses ba ay hindi ka kinilig kay Mayor? Napansin ko na yan sayo! Kada maguusap kami ni Suhanna tungkol kay Mayor ay tahimik ka. Pusong bato ba yan?” sabay turo sa dibdib ko.
Nailing ako at saka natawa. “Hindi. I just don’t give a thing about him.”
Tinaasan niya ako ng kilay. “Hmp! Ipagdadasal ko na ikaw ang makuha para naman malagyan ng ka-sweetan ‘yang katawan mo kapag nakilala mo siya or mas nagkalapit kayo!”
Nanlaki ang mata ko sa narinig at nailing ulit. Nakakailang iling na ako rito kay Rami ha! “No! Ikaw na lang!”
Natawa siya sa reaksyon ko. “Kahit hindi na kami ni Suhanna no! Ikaw na lang!” at natawa pa siya nang malakas na para bang nang-aasar.
Anak ng taragis talaga!!
Lord, sinusubok mo na ba talaga ako? Eto na ‘yon? Hindi na ako sumagot kay Rami dahil baka ano pang masabi ko. Ang kulit, jusko po!
Natapos ang buong araw ko sa hospital na inaasar ni Rami pero natigil din naman siya dahil ang dami niyang pasyente. Kaso nagpahabol pa ng ‘sorry’ nung matapos ang shift ko. Tinawanan ko na lang siya sa pinagsasabi niya. Ganyan ‘yan siya kapag wala si Suhanna, ako ang kinukulit. Ganun din kapag wala si Rami, ako ang target ni Suhanna.
Imbes na sa bahay ay sa Velvet & Vine ako dumiretso, may ilang oras pa naman bago iyon magsara. Late naman na iyon nagsasara dahil sa executive village naman ang pwesto at karamihan ng staff namin ay stay-in. May extended land kami for office, stay-in staffs and other stuff ng Velvet & Vine. Madilim na pero maliwanag ang paligid ng Velvet & Vine, mah mga nakapark pa rin na iilang sasakyan sa parking area. Imbes na sa front entrance ay sa garden area ako dumaan, may exclusive garden area rin kasi dito for customers lalo na kung ayaw mo sa loob, it’s like an al-fresco experience of Velvet & Vine.
“Hi, Ma’am Juniper! Ginabi na po kayo ngayon,” bati sa akin ng isang roaming na guard ng Velvet & Vine.”
Nginitian ko ito. “Yes, kuya! Pampaantok bago umuwi. Pero himala andito po kayo ngayon?” tanong ko. Bihira lang kasi pumwesto si Kuya dito, minsan sa entrance talaga.
Nakita ko ang paglaki ng ngiti ni Kuya. “Ah, yes po! May bigatin po kasi tayong guest.”
“Oh? Artista ba at parang kinikilig ka diyan kuya?” sabay tawa.
Natawa siya at sasagot na sana pero napatigil dahil tinawag siya ng isang staff para magpahelp. Nagpaalam na ito at tinuloy ko na ang paglalakad. Bago ko pa marating ang glass door papasok sa loob ay isang baritonong boses ang narinig ko. Boses na hindi ko akalain maririnig ko muli.
“So, you’re a nurse?”
Pakiramdam ko ay may pinipilipit sa loob ng tiyan sa narinig. Kahit hindi ko pa iyon lingunin ay alam na alam ko kung sino iyon. Napatingin ako sa suot ko at iyon pa rin ang scrubs ko sa hospital. Gumapang ang kamay ko sa logo patch ng top ko na para bang tinatakpan iyon bago siya lingunin.
River. There he is again— those round eyes meeting mine, a quiet smile forming as he looks at my scrubs. Napatingin din siya sa kamay kong nakatakip sa logo patch ng top ko.
“E-excuse me?”
Lumabas iyon sa bibig ko na mas mahina kaysa sa inaasahan ko. Pilit kong pinanatili ang mukha kong kalmado kahit ramdam kong bumibilis ang t***k ng puso ko.
Ngumiti na naman siya! Hindi nagbago ang emosyon sa mata — he looks so happy!
Tinuro niya yung suot ko. “A nurse…” ulit niya, mas mababa ang boses ngayon, mas malapit. “I didn’t know.”
Umangat ang isa kong kilay sa huli niyang sinabi. Bago pa bumuka ang bibig ko ay nagsalita na naman siya na para bang balak niya talagang unahan ako.
“A bartender… and a nurse, interesting.”
“Excuse me, Mr.—”
“River,” sabi niya. Walang titulo. Walang ‘Mayor.’ Pero ramdam ko ang bigat ng pangalan. Binanggit niya iyon na para bang hindi ko alam. Na para bang hindi niya nabanggit nung nakaraan.
Sandaling tumigil ang tingin niya sa mukha ko bago muling bumaba sa scrubs ko, parang may hinahanap sa pagitan ng mga detalye. Parang may piraso ng alaala na pilit umaangat. Kahit takpan ko ah alam kong malalaman niya iyon.
“You made me a drink that night,” bigla niyang sabi—kaswal ang tono, pero matalim ang tingin. “That one.”
Mabilis ang t***k ng puso ko, masyadong mabilis para sa isang simpleng alaala. Pilit kong pinanatiling kalmado ang mukha ko kahit ramdam kong umiinit ang hangin sa pagitan namin.
“Do you still make it?” tanong niya, bahagyang nakatagilid ang ulo, parang sinusukat ang magiging sagot ko. “Because if you do—”
Huminto siya sandali. Isang sadyang paghinto. Isang ngiti na naman ang lumitaw sa labi niya. Ngiting hindi ko alam kung mapanganib ba o hindi.
“I’d like to have it again.”