Chapter 06

957 Words
Juniper’s POV “Hart informed me that River’s team is making a move,” Sielo’s voice echoed in my ears. Napakamot ako sa pisngi habang hawak hawak sa isang kamay ko ang phone na nakadikit sa tainga. I remained calm despite what I’ve heard from him. It’s been almost 5 months since the full recovery of Mayor River. He’s finally back. He’s finally back serving his city. “Juni.. andiyan ka pa ba?” “Aah yes,” maikli kong sagot sa kanya. “Thank you, Sielo—” “Juni,” pinutol niya ako. “Kinakabahan ka ‘no?” parang natatawa niyang tanong kaya napairap ako. “Bwiset ka, Sielo. Dapat hindi mo na ‘yan sinabi sa akin kung aasarin mo lang ako ng ganyan.” Narinig ko ang malakas na tawa niya sa background. “Hays, Juni. I know you’re a strong woman, but a man is making you nervous?” Umismid ako. “Siraulo ka. Hindi ako takot sa kanya, I just don’t know his next moves. What if ipapatay niya ako?” Biro ko lang yung huling tanong pero mukhang masyado pang natuwa ang loko at lalong lumakas ang tawa niya. “No! I don’t think he will kill the woman who saved his life. He should be thankful. Balita ko nga ay single si Mayor and—” Hindi ko na pinatapos si Sielo at pinatayan ko na siya ng tawag. Alam ko na ang sasabihin niya lalo na isa siya sa numero uno na pampagulo sa buhay ko. May mga pagkakataon na irereto niya ako sa mga kakilala niya ag magugulat na lang ako na imbes siya ang kikitain ko ag ibang tao pala ang makakasama ko. Iniling ko na lang ang ulo sa naisip. Ilang minuto ko na rin naman siyang kausap tungkol sa nalalaman niya. Dahil fully recovered na si River ay balik serbisyo na siya. I was not into politics and watching news, pero dahil sa ginawa ko ng gabing iyon ay di na rin ako mapakali sa kakapanuod. I just want to know his next move sa nangyari sa kanya. “Bibisita raw si Mayor sa mga public and private hospital next month!” Halos magpantig ang tainga ko sa narinig mula sa kabilang table. Nasa hospital canteen kasi ako ngayon at kumakain ng lunch, afternoon na pero lunch pa rin ang kinakain ko. Late na ako nakakain dahil busy ang hospital. “Jusko po! Kailangan natin mag-ready!—” “And magpaganda!” “Kakilig!” Napairap naman ako sa mga narinig. Marami talagang nagkakagusto sa Mayor na iyon, mapabata man o matanda. I saw in every article na mahal na mahal siya ng taong bayan. River was the kind of man na mahirap hindi mapansin. Standing tall, a little over six feet, he carried himself with a youthful yet commanding presence. His grayish eyes had that rare mix of sharpness and sincerity—parang kaya niyang tumagos sa’yo, yet at the same time, they carried warmth and genuine concern. His lips, soft and undeniably kissable, often curved into a smile that made him approachable despite the weight of his position. Yes, lahat ‘yan totoo. Hindi ko na maitatanggi. Every move he made spoke of quiet confidence, his upright posture, his steady gait, and the calm authority in the way he looked at people. Yet, hindi siya intimidating, instead, he radiated a kind of goodness that made others trust him easily. Well-groomed and always neat in his attire, he had that perfect balance of dignity and humility. Sa kabila ng pagiging bata pa, he already embodied the kind of leader who was not only capable and firm in his principles, but also a good man at heart… someone who served with both strength and compassion. Kaya sobrang dami ang natutuwa sa kanya. Laman siya ng iba’t ibang interview session sa mga iba’t ibang news channel, and he was so careful and mindful with every words. Kitang kita mo sa mata niya ang passion sa ginagawa niya. Napailing ako sa mga naisip dahil sa huli alam kong may tinatago na rin siya, siguro hindi pa lumalabas ngayon tulad ng mga ibang politiko na sangkot ngayon sa corruption. Politics in the country has always been seen as magulo at talagang nakakadismaya. Madalas kasi, nagiging entablado lang ito ng corruption, personal interests, at power struggles imbes na totoong public service. Natatabunan ng mga damuhong kurakot ang totoong leader na may totoong pagmamahal sa bansa. Maraming leaders ang inuuna ang popularity kaysa substance, at yung mga pangako tuwing campaign, kadalasan nauuwi lang sa wala. Kaya maraming tao ang nawawalan ng tiwala sa sistema, nakikita nila ang politics hindi bilang paraan para mag-build ng nation, kundi parang laro lang para sa mga makapangyarihan. Pero sa kabila ng ganitong realidad, may mga iilang leaders pa rin na umaangat at nagpapatunay na possible pa rin ang good governance. Leaders na may integrity, transparency, at tunay na malasakit sa tao. At sila ang nagpapaalala sa atin na kahit gaano kagulo ang sistema, hindi dapat mawala ang pag-asa. Sinasabi ng mga tao na si River ay hindi tulad ng iba na nasasangkot sa corruption. Sa halip, kilala siya pa sa pagiging transparent, sa malasakit niya sa tao, at sa vision niya para sa long-term na progreso ng lungsod. “Is he really that… good?” mahina kong tanong sa sarili. Wala ng pake kung isipin ng mga kasama ko sa paligid na nagsasalita akong mag-isa. I want to believe what they’re saying, but it’s hard for me. Because they’re all the same— ruthless. And little did they know, ang bawat isa ay may baho… at kahit ang pinakawalang bahid sa tingin ng marami, may mga sikreto ring pilit itinatago sa dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD