#TheOtherTwinsRevenge CHAPTER 57 THIRD PERSON’S POINT OF VIEW... Hindi makapaniwala si Jass sa mga nalaman niya. Sa totoo lang, nagulat siya at ayaw niyang tanggapin na pwedeng mangyari ang mga nalaman niya. Kaya pala pakiramdam niya noon, may hindi sinasabi sa kanya ang kanyang Kuya, pakiramdam niya ay may lihim itong tinatago. Hindi pala simpleng magkakilala lamang nung college ang Kuya at asawa niya kundi... mag-ex pala ang mga ito. Paano niya nalaman? Dahil ito sa mga nakita niyang litrato sa kwarto ng Kuya niya at sa bawat litrato, may mga nakasulat sa likod nito, hindi lamang basta simpleng sulat kundi sulat na puno ng pagmamahal. Abala si Jass sa paglilinis kanina sa bawat kwarto ng mansyon. Palibhasa ay wala siyang magawa kaya ito na lamang muna a

