CHAPTER 42 Agad kong ipinukol kay Damon ang aking espada. Singbilis ng balang tumarak sa puso nito ang espada kasabay ng pagkalabit niya ng baril. Huminto ang inog ng aking mundo. Huli na para magsisi sa aking mabilisang desisyon. Mabilis kong nilapitan si Fate. Hindi ko alam kung anong una kong gagawin. Ang kalagan ba siya o ang takpan ang leeg niyang dumudugo. Mabuti at hind isa ulo ang tama niya kundi sa leeg lang ngunit tinamaan pa rin si Fate at iyon ang pinakahuli kong gustong mangyari. “Alam kong hindi ka okey pero magpakatatag ka. Dadalhin kita sa hospital, Fate.” Ninenerbiyos kong saad habang tinatanggal ko ang itinali sa kanya. Madali ko lang iyong natanggal. Agad niyang inapuhap ang duguan niyang leeg. “Mukhang daplis lang naman ang tama ko, Errol.” “Sigurado ka?” kinakab

