Chapter 2- The Grand Son

1738 Words
Hindi siya makapaniwalang apo nila seniora ang lalaking ito. Kung anung ikinabait ng mag asawa ganun naman kagaspang ang ugali ng apo nilang ito. Bakit si Raven mabait din naman. Kanino kaya to nagmana? She chuckled habang nakatingin sa nakangising mukha nito. Pilit niyang pinipigilan ang sarili na iripan ito, kahit napipikon na siya sa guwapong mukha nito. Wait did i say guwapo.? hindi..!! hindi..!! siya guwapo... he's a total jerk. gusto niya ng sampalin ang sarili para maalis ang paningin niya sa pagmumukha nito. Pero hindi niya alam bat ayaw umalis ng mga mata niya sa nakakairitang mukha ng lalaki sa harapan niyan. "Annika?!!" Narinig niyang may nagsalita mula sa likuran nila. Para siyang nabuhusan ng malamig na yelo dahil sa pagtawag na yun. Napalingon sila ng seniora sa nagsalita at agad naging triple ang t***k ng kaniyang puso ng makilala kung sino ito. "R-Raven?!!" Naninigurado niyang tanong. Ibang iba na ang dating nito ngayun, mas lalo pa itong naging guwapo sa paningin niya. Maayos itong magdala ng damit at mas mukhang naging propesyunal. Maayos na nakasuklay ang maitim at malago nitong buhok at ang mga mata nitong kumikislap habang nakangiti. "I'm so glad to see you again Annika! I missed you!! " sabi nito, huminto ito di kalayuan sa kanila at ibinuka nito ang dalawang kamay na tila bang hinihintay siyang lumapit dito. Agad namang nabuhay ang papanabik ng kaniyang puso para sa kababata at mabilis ang mga hakbang niyang lumapit dito at yumakap. "Did you missed me?" Tanung nito habang yakap siya sa matipuno nitong mga bisig. Hindi na siya sumagot at tumango nalang siya habang nakadikit ang mukha niya sa sa dibdib nito habang sinasamyo ang mabangong pabango nito. Wala pa sana siyang balak na bumitiw dito ngunit nagsalita ito. "Wait...what happened to you?" Tanung nito. Agad naman siyang kumalas sa pagkakayap dito ng mapansin niyang nakatingtin ito sa likuran ng braso niya. Maging siya ay nagulat ng mapansin ang sugat sa braso niya, mula marahil ito sa pagkagulong nila kanina sa damuhan. "Nagwala kasi si Snow....-" "What?!! Nahulog ka ba kay snow? Come here at lalagyan ko ng gamot yang sugat mo." Nag aalalang sabi nito at inaya siya pabalik sa kusina kung nasaan nakalagay sa cabinet ang first aid kit. Maingat nitong nilinisan ang kaniyang sugat sa braso at marahang nilagyan ng betadine pagkatapos nilagyan nito ng plaster ang sugat para maiwasan ang pagdurugo. Habang siya ay malayang nakatingin sa mala angel nitong mukha habang nakangiti at pakiramdam niya nasa Cloud 9 na siya ng mga oras na yun. Bumalik lamang siya sa sarili niya ng magsalita ang Mahal niya....este si Raven pala. "Ngayun ko lang narinig na nawalan ka ng control kay snow! You should be careful ..okay!! " Pagkaraay sabi nito. (Yes dear...sagot ng isip niya pero syempre hindi niya ito pwedeng sabihin di bah) "Na- Nagulat lang siya kanina...dahilan para magwala siya" Sabi niya dito, gustuhin niya mang sabihin kung sino ang may pakana. Hindi nalang niya itinuloy dahil ayaw niyang masira ang moment nila ni Raven, dahil maisip niya lang ang buwesit na lalaking yun..tumataas na ang blood pressure niya . "Mukhang magiging magaling ka talagang doctor." Nakangiti niyang sabi dito. (Oh dear..! Please gamutin mo din ang naghihingalo kung puso.. dahil dead na dead na sa'yo...kinikilig niyang sabi sa isip niya..) Agad naman itong ngumiti at marahang ginulo ang buhok niya. (mas lalo pa yatang nahimatay ang puso niya dahil sa ginawa nito.) " I hope so." Sabi nito. "Come ipapakilala kita sa mga kaibigan ko, nameet mo na ba ang pinsan ko?" sabi nito at hawak nito ang kamay niya habang pabalik sila sa sala. Gustuhin man niyang tumili sa kilig pero pinigilan niya ang sarili. (Probinsiyana ka girl kaya dapat mahinhin ka sa harap ni Raven..wag kang pa obvious masyado..saway ng utak niya.) Wala na si Nicolai ng bumalik sila sa sala ,nagpaalam daw itong lalabas muna. (Hayy buti naman at wala na ang lalaking yun, masyado siyang masakit sa mga mata) Ipinakilala ni Raven ang mga kasamahang doctor din nito at naging kaklase sa abroad.. sina Anthony at Trishia na bahagyang nakatikwas ang kilay ng makitang magkahawak kamay sila ni Raven. Bigla itong tumayo pagkatapos silang ipakilala sa kaniya ay agad itong lumapit kay Raven. "Rave....this place is so nice.. would you mind...giving us a tour." Malambing nitong sabi kay Raven at agad humawak sa braso nito sa kabilang kamay. Napatingin naman siya sa kamay nito na nakahawak kay Raven at tumaas din ang kilay niya dito. "Ah sure." Sabi ni Raven at humingi ng paumanhin ang mga mata nito ng lumingon sa kaniya. "Would you like to come?" Tanung nito sa kaniya. "Ah.. hindi na. Tutulong muna ako dito sa kusina..para ipaghanda kayo ng makakain" Dahilan niya...dahil sa tingin palang ni Trishia alam niya ayaw nitong kasama siya, hindi naman siya manhid nuh. Kaya siya na ang kusang umiwas.(Baka maitulak ko pa yang mukhang mais na yan sa bangin pag sumama pa ako.) "Okay... I'll come find you later." Sabi ni Raven at nagpaalam na ang mga itong lumabas. Nakangiti naman siyang tumango dito pero masama ang tingin niya sa babaeng mais na kasama nito. Nilingon niya ang mag asawa na nakatingin sa kaniya. "Iha.. bakit ka nga pala may mga galos.?" Nag aalalang tanung ni Seniora Carina. "Ah.. w-wala po ito...nagulat lang kasi si Snow kanina sa busina ng sasakyan ,kaya biglang nagwala...pero okay naman po ako." sabi niya ( sasabihin ko na ba na ang walang modo niyang apo ang may kasalanan nito..hayss pasalamat siya at maganda na ang mood ko ngayun kaya di ko muna siya isusumbong) "Busina? Sinung gumawa nun?" Tanung ni Senior. "Hayaan niyo na po ... Gasgas lang naman po ito at nagamot nadin naman po ni Raven." Paninigurado niya sa dalawang matanda. Nagpaalam nadin siya sa mga ito para makatulong sa kusina. Hindi naman siya required na magtrabaho sa loob ng bahay pero mas gusto niyang tumulong sa kasambahay ng mga ito. Samantala nakatingin si Nicolai sa mga kabayo sa kuwadra..Mahilig din siyang mangabayo kaya alam niya ang ugali ng mga ito, kahit naman malakas ang busina niya kanina hindi ito sapat na dahilan para magwala ang puting kabayo. Nilapitan niya ito ng makita niyang nasa gitnang bahagi ito ng kuwadra. Maganda ang pagka puti ng mga balahibo nito..kaya nababagay nga ang pangalang snow dito. Hinaplos niya ang ulo nito at mukhang hindi naman ito takot sa kaniya. Napansin niyang may sugat ang paa nito , kaya naisip niya marahil ito ang dahilan kung bakit nagwawala ito kanina. Nilapitan niya ang caretaker sa kuwadra at humingi ng pwedeng igamot sa sugat ng kabayo. Mabuti na lamang at kumpleto ang gamit nito kaya agad niyang nilinis ang sugat at tinalian ng bandage ang kaliwang paa ni Snow. Napabuntinghininga siya habang nakatingin sa kabayo..hindi niya alam kung bakit hindi maalis sa isip niya ang mukha ng babaeng yun habang nakasakay sa kabayo. Nililipad ng hangin ang mahaba nitong buhok. Huminto siya di kalayuan habang tinitignan ito ngunit sa bagal ng takbo ng kabayo, hindi niya akalain na maaabutan niya ito sa daan papunta sa bahay ng grand parents niya.Sinubukan niyang bumusina para mapansin ng babae na may nakasunod sa likuran nito.. ngunit nagsalubong ang kaniyang mga kilay ng hindi man lang ito lumingon at tila walang narinig.Kaya medyo tinagalan niya ang busina at biglang nagwala ang kabayo nito at mabilis na tumakbo. "Sh*t...!!" Why can't she handle her horse!" Napansin niyang hindi makontrol ng babae ang kabayo nito at alam niyang delikado ito kung patuloy na magwala ang kabayo.Kaya binilisan niya ang pagpatakbo ng kaniyang kotse para malagpasan ito at humarang sa daraanan ng kabayo. Bumaba siya ng sasakyan at tumayo sa harap nito. Nang papalapit na ang kabayo, agad niyang sinunggaban ang babae at hinila pababa ng kabayo nito. Gumulong sila sa damuhan at napatingin siya sa babaeng nakapatong sa kaniyang katawan ng tumigil na sila sa pag gulong. Halata padin ang pagka shock nito sa nangyari. Ang mahaba nitong buhok ay nakasabog din sa kaniyang mukha kaya langhap niya ang mabining amoy nito. Hindi niya na matagalan ang sitwasyung yun, lalaki lamang siya at ang amoy ng babaeng ito ay nakakapag painit sa kaniyang katawan. "Are you enjoying there?" Pagalit niyang sabi. Nahimasmasan naman ang babae at napatingin sa kaniya. Mas lalo pa itong nagulat ng malaman kung nasaan ito. Kaya dali dali itong tumayo. Saglit silang nagbangayan..ngunit hindi niya na ito pinatagal dahil ramdam niya ang pananakit din ng kaniyang braso dahil naitukod niya ito kanina para hindi tumama ang likod ng babae sa lupa. Nauna na siyang umalis at binaybay ang daan papunta sa malaking bahay. Pangalawang balik pa lamang niya dito sa lugar na to.. ang una ay noong isama siya ng kaniyang ama ngunit masyado pa siyang bata noon..nasa anim na taon palang yata siya nun kaya wala na siya g gaanung natatandaan. Hindi lingid sa kaniya na may sama ng loob ang kaniya ama sa mga magulang nito kaya hindi nito magawang bumisita ng madalas sa hacienda. At binawalan din siya nitong pumunta dito. Pero bigla silang nagkita ng pinsan niyang si Raven sa Maynila at nakiusap itong dalawin man lang niya ang lolo at lola nila. Hindi sila malapit ni Raven sa isa't isa, dahil lumaki sila na nasa mag kaibang lugar nalaman din niya na dito pala ito lumaki sa hacienda. Hindi makapaniwala ang lolo at lola niya ng ipakilala siya ni Raven sa mga ito..akala ng dalawang matanda...isa padin siya sa mga kasamang kaibigan ni Raven. Halos maiyak naman ang lola niya ng makita siya at agad siyang niyakap. Alam niyang wala siyang sama ng loob sa grand parents niya at gumaan ang kaniyang pakiramdam ng makita niya ulit ang mga ito. Narinig niyang may tinawag ang Lola Carina niya mula sa kusina at napakunot noo naman siya ng makita ang babaeng nakaalalay dito ng bumalik ito sa sala. It's her....! what is she doing here? Nang ipakilala ito sa kanila ng Lola niya nalaman niyang anak ito ng pinagkakatiwalaag tauhan sa hacienda. Napatingin din sa gawi niya ang babae at bakas sa mukha nito ang pagkagulat ng malaman nitong apo siya ng mga taong pinagsisilbihan nito. Ngunit bigla siya nitong inirapan. His lips curved into a mischivous smile. He was amused with her reaction.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD