CHAPTER 1

2209 Words
Chapter 1 Arthea Primero-de Cervantes' POV "AYOKONG matulad kay Reolla," walang emosyong saad ni Shin at nagtatakang napatingin ako sa kanya. "Ha? Ano'ng pinagsasabi mo riyan, Shin? Sinong Reolla?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa SM at nagliwaliw lang kami ng kaibigan kong si Marshin V. Escalante. Bestfriend ko siya since second year college. Maganda siya pero tahimik. Morena ang kutis niya. Matangkad siya, at pang-Miss Universe nga ang looks ni ate at minsan na rin siyang nanalong Miss University namin. Model type kasi siya, eh. Marami na nga ang may balak na alukin siyang mag-model. But she rejected it, hindi rin dahil ayaw niya at wala rin siyang talent sa pagrarampa. Kundi, she's already married at napaka-strict ng sugar daddy--este asawa niya. "Si Poirier na may asawa na at may ibang pamilya pa," sagot niya at inabot niya sa akin ang kinuha niyang libro. "Basahin mo. Para sa katulad kong the proxy wife at ikaw na parang the unwanted wife ay dapat may alam tayo sa mga ganyan." "Si Reolla Moon, siya 'yong unwanted wife na unwanted family rin ni Poirier," wala sa sariling sambit niya at may hinablot na isang libro mula sa bookshelves. "Who is Poirier?" I asked, confused. Mahilig talaga siya sa mga nobela basta romance ang genre. Ewan ko ba sa babaeng 'to, kung bakit ayaw niyang matulad sa mga bidang babaeng na bina-balewala lang ng kanilang mga asawa. Pero sa bagay, ayaw natin ang matulad sa kanila. Ayaw natin na hindi tayo pinapansin ng mga taong mahal natin. "Ayoko, mas gusto ko ang fantasy," nakangusong sabi ko at ako naman ang humablot sa librong may titulong, Uncrown Princess, Lazaro's Princess See? Ganyan 'yong bet ko. Title pa lang ay curious na curious ka na, kung bakit uncrown ang prinsesa sa kanilang kaharian. Tinanggalan ba ito ng korona? Tinanggalan ng karapatan na maging prinsesa ang bida? Ngayon pa nga lang ay curious na ako. Kay sa naman sa mga romance na title pa lang ay tiyak na iiyak ka na. Hindi ko rin naman kasi feel ang romance, dahil tiyak na drama. Bakit ayaw ko sa mga kuwentong may drama? Kasi ayokong maging malungkot sa pagbabasa. Shin and I were the same situations. Siya kasi ay proxy wife lang ng kanyang asawa. So, it means, hindi niya rin totoong asawa ang kanyang kinakasama ngayon. Nawala kasi ang asawa ng lalaki at hanggang ngayon ay hinahanap pa. Pasalamat na lang ang lalaki dahil kamukha ni Shin ang asawa niya. Kung hindi, aba ewan ko na lang sa kanya. Bahala siya sa problema niya at dinamay pa niya si Shin. Pero kung hindi naman dahil sa kanya ay baka hindi ko rin makilala ang kaibigan ko ngayon. About Shin pala. Ginagamit niya ngayon ang name ng legal wife na kanyang asawa. Cashren Jhed Vesalius, name pa lang ay pang-rich na at sosyal. But I preferred to call her, Shin, it's her real name after all. Totoo naman siya sa akin. Bestfriend ko at hindi naman siya plastic na tao or fake. At ako naman ay kinasal two years ago, pero parang wala pa rin akong asawa. Kasi madalas na hindi umuuwi si Lervin sa bahay namin. Lervin de Cervantes, neurologist doctor. Kaya naman ay relate na relate talaga kami sa isa't-isa ni Shin. "Art, dapat may ideya ka sa mga ganyang nobela," giit niya sa akin. "Sorry ka na lang. Romance ka at fantasy ako, period," nakasimangot na sambit ko at tinalikuran ko na siya. Akmang maglalakad na ako patungo sa counter para mabayaran ang napili kong libro, nang mahagip ng mga mata ko ang pigura ng isang lalaking kakapasok pa lang sa Bookstore. "Patay ako nito, Shin!" halos pasigaw na saad ko at hinila ko sa braso si Shin para makapagtago kami sa kabilang bookshelves. Nilingon ni Shin ang tinutukoy ko sa kanya at nagsalubong ang kilay niya nang tumingin sa akin. "Ano'ng ginagawa ng asawa mo rito, Art?" tanong niya sa akin, na as if wala rin siyang ideya. Kung bakit nandito ang asawa ko sa SM Bookstore. Two weeks ko na ring hindi nakikita ang pogi kong asawa. Hindi ko alam kung saan siya nagpupunta, maliban na lamang kung nasa hospital siya at nagta-trabaho at wala rin naman akong pakialam sa kanya. Tsk. "Eh ikaw Shin, ano rin ang ginagawa rito ng asawa mo?" balik na tanong ko sa kanya nang nakakunot din ang aking noo. Heto nga't nagtatago na kami at nakasalampak na sa sahig para hindi kami makita ng dalawang lalaking pinagtataguan namin. Ito 'yong eksena na oras ng klase ay makikita kang pakalat-kalat lang sa loob ng SM. At mahuhuli ka pa ng parents mo. Ang pinagkaiba lang sa amin ay hindi naman parents namin ang nandito. "Hindi ko alam na mag-bestfriend din pala sila, Art," namamanghang saad ni Shin at napatangu-tango naman ako. "Shin, patay talaga tayo rito. Hindi dapat malaman ni Lervin babe na nandito tayo!" kinakabahang sabi ko at humigpit ang pagkakahawak ko sa braso niya. "Aray! Art naman 'yong kamay mo! Gaga, masakit! Saka huwag kang maingay baka marinig tayo!" may pagbabantang wika niya at ngiting aso lang ang ginanti ko sa kanya. "Ako rin, Art. Dapat hindi ako makita rito ni Cervin. For God's sake, Art! We are in the middle of our classes!" aniya at may pangangamba na sa kanyang boses. 'Yon nga rin ang punto ko, eh. "Na which is true na nag-cutting naman talaga tayo," nakangising wika ko. Muli kaming napatingin sa direksyon nina Lervin kanina at nakita namin na wala na pala sila roon. "Cervin din ang pangalan ng asawa mo, Shin?" kunot-noong tanong ko. "Right. At Lervin din ang pangalan ng asawa mo, Art." Saglit na nagkatinginan kami ni Shin at maya-maya lang ay napatawa kami at nag-apir pa. "Destiny nga silang dalawa," natatawa kong saad at tila nakalimutan naming dalawa na nagtatago kami rito para hindi makita nina Lervin at Cervin. At malaman pa nilang nag-cutting kami sa class namin na which is true naman. Wala lang kasi. Hindi namin feel ang pumasok sa last subject namin, eh. Isa pa hindi naman iyon major subject at keri lang iyon. "No pakels naman si Lervin babe ko. Para nga akong hindi nag-eexist sa house namin, dahil hindi naman niya ako pinapansin at saka hindi naman ito ang unang beses na nagkita kami sa labas," mahabang sabi ko at umiba ang expression ng mukha ni Shin. "Pero hindi si Cervin. Patay ako kapag nahuli niya ako rito, Art. Alam mo namang strict siya when it comes to me, 'di ba? May curfew nga ako, eh. He's scary when he's mad," aniya at mukhang takot na nga siya. "Ganito--" "Ladies, what are you doing, there?" Gulat na napalingon kaming dalawa ni Shin sa nagsalita and there. Nakatayo na ang dalawang pogi na hindi kalayuan sa puwesto namin habang nakaturo sa amin. Ang dalawang taong pinagtataguan namin ngayon. Napalunok ako sa kaba nang magsalubong ang mga mata namin ni Lervin. As usual, no expression. Naramdaman ko naman ang pagbaon ng kuko ni Shin sa braso ko at napaigik ako sa sakit. "Shin naman, baka puwede mong putulin ang mahaba mong kuko?" nakataas na kilay na tanong ko at kitang-kita ko ang pagputla ng mukha niya. Para siyang nabuhusan ng maraming suka sa face niya. Ganyan ba siya katakot sa asawa niya? And hey! She's shaking, dude! Bago pa ako makapagsalita ay dinaluhan na ako ni Lervin. Hinawakan niya ako sa kaliwang braso ko at hinila na ako patayo. Ganoon din naman ang ginawa ni Cervin kay Shin. And he possessively snaked his arm on his wife's waist. Nice. And there, again! Naramdaman ko rin ang kamay ni Lervin babe sa baiwang ko at hinapit niya ako palapit sa kanya at nagdikit tuloy ang katawan naming dalawa. Ramdam ko ang init mula sa katawan niya at ang milyun-milyong boltahe ng kuryente. At heto na naman ang pamilyar na pagkabog sa dibdib ko. *** Kagat-labing napayuko ako at hindi makatingin nang diretso sa mga mata ng asawa ko. Pagkatapos nang pagtatago namin ni Shin kanina at nakita rin kami ay heto at dinala nila kami sa Starbucks. Magkatabi kaming nakaupo ni Shin at nang silipin ko kanina ang hitsura ng kaibigan ko ay wala ng emosyon sa mukha niya. Kung kanina ay halatang takot na takot siya at ngayon naman ay black expression na. Nakaupo naman sa tapat namin sina Lervin at Cervin. Si Shin? Bakit blank expression na siya ngayon? Ganyan po talaga siya kapag kaharap na niya ang kanyang asawa. It's better not show your emotions, ika niya. Scary naman talaga ang aura ni Cervin Raeson Vesalius. Na tila may itim na bumabalot sa katawan niya at kulang na lang ay magkaroon na siya ng itim na pakpak at sungay sa ulo. Blangko po talaga ang mukha niya. Guwapo naman si Cervin. Maganda ang tindig ng kanyang katawan. Nakasuot siya ng color orange polo shirt at black slack. Hapit sa kanyang katawan ang kasuotan niya kaya mas nahulma ang kakisigan niya. Si Lervin naman ay nakasuot siya ng sky blue longsleeve and white pans. Oh, 'di ba? Naglalaban din ang pogi nilang face at alam kong pareho silang panalo. Ang dami ring mga babae ang nakatingin sa kanilang dalawa at wala naman silang pakialam doon. Baka hindi rin naman sila aware kasi sa amin lang nakatutok ang kanilang atensyon at diretso ang tingin sa amin. At dapat lang! Dahil nandito ang legal wife nila. Kidding aside, but seriously? Nakakailang ang mga titig nila sa amin. "May klase pa kayo, right?" tanong ni Cervin at maski ang boses niya malamig pa sa yelo. I looked away when Cervin stared at me. Si Lervin nga na asawa ko ay hindi ko natatagalan ang mga titig niya. Eh, si Cervin pa kaya na asawa ni Shin na nakakatakot din ang aura nito? Nah. "Yeah. What are you doing here?" This time, ang asawa ko na ang nagtanong sa amin. "We bought materials for our projects." Lihim na nagbunyi ang kalooban ko nang si Shin ang sumagot kay Lervin. Shin is good at lying, a good liar. Dahil daw sabi niya. Proxy wife siya at dapat best actress din siya. Marunong magsinungaling. Nakakaawa nga ang kaibigan kong 'yan, eh. Kailangan pa niyang makipag-plastikan sa mga tao, lalo na sa mga kakilala ng asawa niya. Basta sa hell na siya mapupunta. Sa dami ba naman ng kasinungalingang nasabi niya pero alam kong hindi, mabait naman siya. "That books? Is that what you called materials?" nagdududang tanong ni Lervin at muli akong napalunok. "And why are you hiding from us, then?" tanong naman ni Cervin. Ginigisa kami ng mga katanungan nila. Oh, well. Si Shin naman ang may guts na sumasagot sa kanila. Patay. Para kaming criminal nito, eh at nasa loob ng interrogation room. Isa pa na hindi nabibili ng kasinungalingan ang dalawang 'to. I took a deep breath. "Fine. Nag-cutting kami at bored na bored na kami sa University. Nakakapagod," sabi ko at ngumiti kalaunan. Saka ako sumubo ng spaghetti na in-order nila para sa amin. Napatingin ako sa pagnguya ng biglang humalakhak si Cervin at kumunot ang noo nang tiningnan ko siya. Kanina ay hindi mabasa ang mukha niya, I mean blank expression nga siya. At kahit isang tipid na ngiti ay hindi makikitaan sa mga labi niya. Ngayon naman ay tumatawa na siya. Ang galing. Wala sa sariling napalingon ako sa loob ng Starbucks at nakuha niya ang buong atensyon ng mga customer. Parang may anghel ang umaawit, at ang ganda ng boses na nag-echo pa sa loob ng Starbucks. "Iyan ang gusto ko sa asawa mo, Lervin, eh. She's too honest," natatawa niyang sabi at hayon na naman mga ate. Sumisilip na ang killer smile niya. Kaya naman pala inlababo ang kaibigan ko. Eh, may dalawang malalim na biloy sa magkabilang pisngi mg asawa niya. Parang si Lervin babe ko lang. Pero may dimples din si Shin, ah? Dalawa rin! Ako lang ang wala. Unfamiliar naman! Wala sa sariling napatingin ako kay Shin. Nakayuko na siya at mukhang napahiya siya. Napa-sampal ako sa noo ko. Nilaglag ko ba naman kasi! Ano na? Do something, Art! I cleared my throat, "That's true. We are too bored. May project kami at need namin ng materials kaya nag-cutting kami sa last subject namin. Ubos na rin kasi ang time namin, kung hindi namin 'yon ginawa. Kaya bonus na lang sa amin ang pagliwaliw habang bumibili kami ng materials namin." Tiningnan ko naman ang librong nakapatong sa table namin. "And about the books. Binili namin kasi nga bookworms kami and since nandito na naman kami sa labas ay bakit hindi pa kami bibili ng ibang kakailanganin namin?" nakangiting pagpapaliwanag ko at napatangu-tango na ang asawa ni Shin. Tumalab ang palusot ko. That's good. Parang nakahinga naman nang maayos si Shin at nagsimula na siyang kumain. Hindi niya kasi ginalaw kanina ang foods niya. "Oh, okay. And maybe, this is destiny. Destiny crossed our paths to see each other. Lunch date na rin natin 'to. What do you think, dude?" "Yeah. Since, matagal ko na ring hindi nakikita ang asawa ko. So, this is our lunch date. Right, baby?" nakangiting sabi ni Lervin at bigla akong nasamid. Feeling ko ang pula-pula na ng face ko ngayon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD