MATALIM ang tingin na ipinukol ni Romuel sa babaeng kaharap dahil sa biglaang ginawa nito.
“D*mn, what happens to you St*pid?!”
“tsss, mukhang ikaw itong St*pid saating dalawa Mr.. Nag tatanong ka, pero ikaw itong biglang hahawak-hawak nv kamay at haharang harang bigla sa dinaraanan ko—
“who told you na puwede mo akong sigawan at sagutin.. This is my house, my place—
“so? Pakealam ko… ang sa'yo ay Akin. Baka nakaka limutan mo Mr, ang bahay mo ay bahay kona rin. At baka nakaka limutan mo na asawa mo ako, hindi katulong nang p*tang*nang bahay na ito.” gigil na sagot ni Bianca sa lalaking kaharap. Sa sobrang inis niya ay hindi niya napigilang pag taasan ng boses ang lalaki.
Tumataas-baba narin ang kaniyang dibdib habang naka kuyom ang mga kamao niya dahil sa sobrang galit at inis. Nag pipigil lamang siya na huwag niya itong masapak.
Ngumisi naman nang mapang insulto ang lalaki. Pagka tapos ay tinignan nito mula ulo hanggang paa si Bianca
“tsss, are you out of your mind? Seriously Bianca? Hahaha, No way! Walang sayo sa lahat ng pag mamay-ari ko. You're not my wife, baka nakaka limutan moring pinikot mo lang ako diba para makuha mo ako.. So stop pretending na asawa or mabuting babae ka. Dahil for me ay isa kalang walang kwentang babae at —
Hindi na naituloy ni Romuel ang masasakit nitong salita nang bigla itong sampalin ni Bianca sa kanang pisngi nito.
“thank-you, masyado kang ma effort para pasakitan ako. Ang haba naman ng mga sinabi mo as if namang may pakealam ako tsss” ani ni Bianca habang may mapag kunwaring ngiti sa kaniyang labi sabay irap. Nag pipigil lamang siya Kailangan niyang pigilan ang kaniyang nararamdaman, upang hindi siya ipag kalulo ng kaniyang mahinang mga luha na kanina pa gustong kumawala sa mga Mata niya.
Walang lingon likod niyang tinalikuran ang lalaki na ngayon ay naka kuyom rin ang kamao nito. Nang maka rating siya sa kaniyang silid ay para siyang lantang gulay na napa luhod na lamang sa Pinto. Matapos niyang isirado iyon
Oo nga't mag-asawa na sila ni Romuel subalit magkaiba naman ang kanil oo ang silid na animoy parang hindi sila mag-asawa. Ang kaniyang silid ay animoy kuwarto ng isang kasambahay. Dahil ayaw umano ni Romuel makatabi siya sa pag tulog at hindi rin siya ituturing nito bilang asawa.
Kahit labag sa loob ni Bianca ang mga kagustuhan ng lalaki ay sumang ayon na lamang siya basta't nasa poder parin siya nito at nagagampanan parin niya ang tungkulin niya bilang asawa nito. Maliban na lamang sa isang bagay na ginagawa ng nag mamahalang tunay na mag-asawa
Naka lapat ang kaniyang likod sa Pinto habang naka higa naman ang kaniyang mga binti sa malamig na sahig. Sa sobrang pagod mula sa dami ng trabaho at sikip ng kaniyang nararamdaman mula sa kaniyang puso ay unti-unti na siyang tinatangay ng gutom, pagod at sama ng loob. Kaya naman ay hindi na niya namalayan na naka tulog na pala siya sa ganuong ayos.
Samantala Mahigit dalawang oras at hapon narin ng maka rating ang mga kaibigan ni Romuel. Mag kakapit bahay lamang sila kaya naman nilakad lamang ng mga ito ang bahay nila Romuel. Mula sa Library ay napa angat ang ulo ni Romuel at natigil siya sa pag titipa ng kaniyang laptop nang biglang may kumatok sa pinto
“Come in” aniya at hindi na niya namamalayan na mahigit dalawang oras na pala siya sa kaniyang Library office.
“Senyorito. Nariyan na ho ang mga kaibigan mo.. At—
“at What manang?”
“at hindi pa ho, lumalabas si Senyorita mula sa kaniyang kuwarto—
“so… may problema ba Manang?” walang pakealam na putol ni Romuel sa sasabihin ng Mayordoma
“hindi pa ho siya kumakain, kinakatok ko siya sa kuwarto niya, naka lack at walang sumasagot.” hindi maka tinging tugon ng matanda.
“hayaan niyo siya Manang, baka nag papahinga lang. Naka handa naba ang lahat sa pool area?” walang pakealam na sabi ni Romuel
“Yes Senyorito” tugon nito. Kaya naman tumayo na ang lalaki at walang lingon na nilampasan na lamang nito ang matandang mayordoma
Matulin lumipas ang mga oras, hanggang sa dumilim na. Mahigit alasyete ng gabi ay napapansin narin ni Romuel na hindi parin niya nakikita si Bianca. Kaya naman nag tungo siya sa loob ng bahay upang tanungin si Manang kung nasaan ang kaniyang asawa.
'Asawa' ani ng kaniyang isip. Subalit pinilig niya rin ang kaniyang ulo upang alisin sa isipan niya ang salitang iyon.
“Manang nasa'n si Bianca?” aniya, nang malapitan niya ang mayordoma na abala sa ginagawa nitong minatamis
Napa tigil naman ito sa ginagawa nito. bb at napa angat ng tingin sa Among madilim ang awra ng mukha nito na animoy pasan lahat ng problema sa mundo.
“Senyo—
“bumaba naba si Bianca?” agad na sabi ng lalaki kaya natigil ang matanda
“hindi pa iho, hindi ko parin siya nakikita mula pa kanina. Gabi na ay wala parin siya… iho hindi pa kumakain ang asawa mo. Nag aalala na ako sa kaniya” malumanay na sabi ng Mayordoma sa pag-iingat na baka mas lalong uminit ang ulo ng lalaking amo.
“ asan ang duplicate key ng kuwarto niya? ”
“sandali, kukunin ko Senyorito” nag mamadaling tugon ng matanda at kaagad na itong umalis aa harapan ng lalaki
“sige na ho Manang, paki asikaso nalang ang mga Kaibigan ko baka may kailangan pa sila doon. Ako na ang bahala sa asawa ko” saad ni Romuel.
Akmang tatalikod na sana siya subalit napa hinto rin nang ma realize niya ang kaniyang sinabi “d*mn, hindi ko siya asawa…aarrg sh*t!” inis na bulong ni Romuel habang pinag sasabihan niya ang kaniyang sarili.
Malalaki ang bawat hakbang ni Romuel patungo sa silid ni Bianca, nang maka rating sa pangalawang palapag at sa unang Pinto ay naruon ang kuwarto ni Bianca at sa may pinaka dulo naman ang kaniyang kuwarto.
Sa una ay nag aalin langan pa sigang kumatok. Sa una ay tatlong katok lamang, hanggang sa maging sunod sunod na “f*ck! Open the door Bianca…Bianca, hey Bianca” naiinip na tawag niya sa pangalan ng babaeng nasa loob.
Tiim bagang niyang muling pinukpok ng malakas ang pinto, subalit wala paring Bianca na nag bubukas. Kaya naman ay ginamit na lamang ni Romuel ang Duplicate Key ng kuwarto
“f*ck…why don't you—
Nabitin sa ere ang ibang sasabihin ni Romuel nang tumambad sa kaniyang harapan. Ang babaeng namamaluktot na, yakap-yakap nito ang tuhod nito na animoy sobrang nilalamig. Subalit pawis na pawis naman
Nangi-nginig ito at sobrang putlang putla ng kulay nito lalo na ang labi nito. Namalayan na lamang ni Romuel ang kaniyang sarili na naka lapit na pala siya sa babaeng giniginaw.
Lumuhod siya sa tabi nito at sinalat ang nuo nito, gayun rin ang leeg nito at pisngi.
“D*mn, Bianca wake-up…Hey Wake up sh*t nilalagnat ka!” tarantang saad ni Romuel tsaka binuhat ang walang Malay na babae
.
“sh*t Manang! Manang!” malakas na tawag ni Romuel na halos umalingaw-ngaw sa loob ng malaking bahay. Sa sobrang lakas ay umabot paiyon sa pool area. Dahilan upang magulat at mag taka ang mga kaibigan nito.
Nagka tinginan ang mga ito. Tsaka dali-dali ang mga kilos na inayos ang sarili ang iba ay naka towel pa dahil basa ng tubig sina Paulo at Kiel
Halos magkaka sabay pumasok sa kuwarto ang mga ito kasama si Manang Jossa. “Brad, anong nangyayare? Ba't ka sumisigaw?” nag aalalang tanong ni Jego
“oo nga anong…
Hindi na naituloy ni Fego ang sasabihin nang makita nito ang Babaeng nanginginig na sa sobrang lamig
“What tha…sh*t what happened” ani nang nag ngangalang Sebastian
“Manang tawagin mo si Doctor” malakas na sabi ni Romuel. Tukoy nito sa family doctor ng pamilya nila. Pagka tapos ay walang pag alinlangan na binuhat nito si Bianca
//continue