CHAPTER 2. (NANCY POV.)

4542 Words
NANCY POV. " Nancy .. Anak bumaba kana jan . . " - Sigaw ni mama mula sa baba habang ako nag aayos sa taas na para sa pag pasok sa trabaho. Nag madali naman akong bumama dahil ma lelate narin ako para pumasok sa trabaho . Nag tratrabaho nga pala ko sa The Quiet House isa tong maliit na Café. malapit lang samen . Maliit sya pero sikat sya sa mga studyante , isa kasi syang Librarycafe kaya tinawag tong The Quiet House , May Pumapasok din naman ditong hindi studyante pero mas madalas talaga ang mga nag aaral na studyante malapit dito . " Ano bayan maaa . . Nag babalat ka nanaman ng bawang jan , Hindi nyo parin po ba ititigil ang ganyan trabaho ? " Tanong ko kay mama habang patuloy sa pag babalat ng bawang . " Ano kaba nancy may idad nako anak , wala ng tatanggap saken kung mag hahanap man ako ng ibang trabaho at isa pa , dito kita napag aral ng Hanggang High School , Kaya wag mong maliitin ang ginagawa ko at isa pa si Jared Dito ko rin sya kinukuha ng mga pang gastos nya sa school kaya Hindi ko pwedeng Itigil to " Sagot ni mama habang kumukuha naman ako ng gamot para ilagay sa kamay nya . " Akin na po ang kamay nyo ma . " " Ano bayan anak wag mo na munang lagyan at baka lumasa pa ito sa bawang at hindi ko pa mabenta . " - Mama " Ano ba kayo maa . Malakas makasunog ang bawang sa kamay at sobrang dami nyong binabalatan , at isa pa wag muna kayong mag balat habang hindi pa natutuyo tong gamot na pinahid ko sainyo ma . Pwede po bang makinig muna kayo , ako nalang po ang tatapos nyan mamaya sa pag uwe ko , kaya mag pahinga po muna kayo . " " Ayyy . Nako ikaw talagang bata ka , ikaw ang dapat mag pahinga Dahil alam ko ikaw tong wala pang tulog dahil mag hapon kang nasa trabaho mo anak , kaya wag mo nakong intindihin pa." - Mama "Aalis na po ako , Wag nyo po munang Ituloy Habang Hindi pa po tuyo ang Pinahid kong gamot" Sigaw ko kay mama habang papalabas ng pinto . Si mama , sobrang tyaga nya sa ganung trabaho kahit puro sugat na ang kamay nya kakabalat ng bawang . Sobrang naawa nako sa kanya kaya nag hahanap pako ng isang racket na pwede pang pagkakitaan para hindi na sya mag balat pa ng bawang . *CAFÉ.* " Nandito na po ako . . " Pag bati ko mula sa kasamahan ko sa trabaho . " Uyyy nanjan ka na pala . " - Cloe " Umm . Ako na jan . " habang Pag agaw ko kay Cloe ng Mga Huhugasan. " Wag na kanina ka pa Hinihintay ni ma'am , Sandy puntahan mo na sya . " - Cloe " Ha baket daw ? Sge puntahan ko na sya . " Hindi ko alam kung baket ako pinatawag ni ma'am Sandy Kaya pinuntahan ko sya sa office nya para malaman para saan ang pag papatawag nya. " Hi po magandang umaga . " Pag bati ko kay ma'am sandy. " Umm . Magandang umaga rin sayo Nancy. " -MA'AM SANDY "Pinapatawag nyo raw po ko ma'am . " " Umm. Maupo ka . " - MA'AM SANDY Umupo ako kung saan ako pinapaupo ni ma'am sandy medyo kinakabahan ako sa sasabihin nya kaya medyo hinihipan ko ang mga kamay ko dahil nanlalamig . " In a fast few days . Medyo bumababa ang benta naten dahil nag babakasyon narin yung ibang mga studyante , kaya kita pinapatawag dahil marami din kayong empleyado Dito Café., yung iba tinanggal ko na muna at papabalikin nalang ulet sila sa susunod na pasukan habang yung iba naman pinaiwan ko pero Siguro tag kakalahating araw Nalang . " - MA'AM SANDY " Ganun po ba. " Malungkot kong salita . " Magaling at masipag ka , kaya hindi ko pinili na tanggalin ka . Pero kung papayag ka sa kalahating Araw nalang ang magiging Oras mo mag tutuloy parin ang pasok mo , Yun nga lang hindi narin ganun kataas ang magiging sahod mo . " - MA'AM SANDY Yung narinig ko yung mga salitang yun , natuwa at nalungkot ako . Masaya ko dahil hindi nya pinili na tanggalin ako pero , Malungkot ako dahil bababa ang magiging sahod ko na lalong hindi magiging sapat samen tatlo ni mama at ni Jared. Si jared ang nakababata kong kapatid nag aaral pa sya nung mga panahon na to kaya bawal din akong tumigil sa trabaho ko . "Umm . Naiintindihan ko Po ma'am , maraming salamat parin po at napili nyo parin po ko na isa sa papasok dito sa Café. Hindi ko po yun pwedeng hindian ma'am kaya okay lang po saken kahit po bumaba ang sahod. " " Kung ganun masaya ko sa pananatili mo dito :) " - MA'AM SANDY " May sasabihin pa po ba kayo ma'am . Kung wala na po babalik na po ko dun sa trabaho ko. " Tanong ko kay ma'am Sandy. " Wala na naman sige , maraming salamat nancy . :) " - MA'AM SANDY Habang papalabas ako ng office ni ma'am Sandy hindi ko mapigilan malungkot , dahil Hindi ko na alam kung saan pa ko kukuha ng pandagdag sa mga pang gastos . " HUyyyy . !! Baket naman ganyan ang itchura mo ? Ano sabi sayo ni ma'am thumbs up ba o Down. " Habang tanong ni Cloe . Kaya tinaas ko ang kamay ko at nag thumbs up sa kanya. "Haaaaa . !!! :) " Sigaw ni Cloe. "Huyyy . Baket kaba sumisigaw jan . ?? " " Masaya kasi ko at makakasama parin kita . " cloe "Ikaw din ba , ? " " Umm . Binabaan man ni ma'am sandy ang oras naten atlis may trabaho parin naman tayo diba . " - cloe " Umm . Tama ka jan . . " Tama sya sa sinabi nya dahil kahit papano may trabaho parin naman kami at magkasama parin kaming dalawa . " Sige na mag trabaho na tayo . " "Umm sge . :)) . . " - Cloe Nag trabaho kami ni Cloe , at marami parin naman ang mga studyante dalawang school kasi ang malapit samen kaya kahit papano nakakabenta parin ngayon mag babakasyon na ang mga Studyante. . " hi ma'am Good morning . " Pag bati ko mula sa studyante habang nakangiti " May I take your order" At Pinag patuloy ko lang ang trabaho ko sa masayang araw . " Huyy Cloe baket nakabihis kana ? " Sabi ko kay Cloe . " Ano kaba Out na tayong dalawa tara na at mag bihis kana . ? " - Cloe " HAhhh ? Baket anong Oras na ba ?? . " "Ano kaba kalahating araw lang tayo diba ? " - Cloe " Oo nga no , Hindi kasi ko sanay na mag out na ganitong ka aaga . " "Kaya tara na mag bihis kana , Masanay kana din dahil ganitong oras lang ay may papalit na saten na next shift . " - Cloe " " Umm . Sige hintayin mo nako . " " Sige daliaan mo at may pupuntahan tayo" - cloe " Haaa ? Saan naman ? " " Basta daliaan mo na . " Habang naka ngiti na sabi ni Cloe . Nag out nako at nag bihis nag linis muna ko dahil para malinis ang next shift na papalit saken . Sobrang aga pa kaming nag out nung mga oras nayun 5hrs shift nalang kasi ko na dating 10hrs . " Pwede ba sabihin mo muna saken kung saan tayo pupunta ?? " " Basta mag hintay kalang . ? " Sabay Hila saken ni cloe at hindi ko alam saan kami pupunta sumakay din kami ng taxi para daw mas mabilis kaming makarating kung saan nya ko dadalin . " Ano kaba Cloe saan nga tayo pupunta ?? " Pangungulit at Curious kong tanong s kanya . " Basta mag tiwala ka saken . :) " " Alam mo naman na hindi ako pwede dahil marami pa kong kailangan gawen diba . ? " " Kaya nga , sandali lang tayo dun at alam kong matutuwa ka. " - Cloe Habang umaandar ang Taxi na sinakyan namen ni Cloe , nag sesearch naman ako ng mga trabaho na pwedeng pasahan ng resume o mapag applyan meron akong nakikita pero sobrang layo naman nung iba , mababalewala din ang sasahurin sa pamasahe at magiging gastos. Dun kasi sa Café ni ma'am sandy Libre ang pagkain kaya hindi ko na yun iniisip malapit lang din samen kaya minsan nilalakad ko lang para makatipid din sa pamasahe . " Kuya dito nalang . " - Gulat ko na Biglang hinto nung Taxi na sinasakyan namen . Binayaran narin ni Cloe ang taxi na sinakyan namen habang ako naman nakatutok parin sa cellphone at hinahanap na trabaho na pwede saken . " Tignannnn mooo . :) " Sigaw ni Cloe habang masayang masaya , At nung tumingin ako sa tinuro nya , napaka ganda kaya namangha ang dalawa kong mata kung saan man ako dinala ni cloe . "Wowwwwwwww... " Habang Ayan nalang ang lumabas sa bibig ko at tumakbo kami ni Cloe. "Tara mag picture tayo . " - Cloe Hinila ko ni Cloe Upang Mag picture sa magandang Spot sobrang ganda kasi ng lugar at sobrang presko ng hangin maraming puno sa ibaba at maraming bahay na Eco house ang style. Sobrang ganda dahil sa bukod na maraming puno malapit pa kami sa Bundok kung saan makakapag relax ka talaga . " Haaaaaaaaaaaaa .. !!!!!!! " Sigaw ni Cloe . " Huyyy . Baket kaba sumisigaw jan ? " " Ano kaba sobrang tagal na kasi naten tong hindi nagawa kaya Nilulubos lubos ko na . :) , Uyyy ohh . Tignan mo yun bahay nayun diba ganun ang bahay na gusto mo ?? " - Sabay turo ni cloe sa bahay na nasa baba . Ganun kasi ang gusto ko talagang mapagawa kapag nakapag ipon ako at para din yun kay mama . Si mama kasi nag kaka edad na kaya mas gusto kong mag pahinga sya sa mga ganitong klaseng lugar at gusto ko wala na syang ibang iniisip at ma enjoy na nya ang buhay . "Umm . Ganun na nga . :) " Sagot ko kay Cloe "Wuuuuuu . Ang sarap dito . " - Sigaw ni Cloe habang may malaking Ngiti sa muka nya. "Nagugutom kaba , wait lang ahh bibili lang ako ng makakain at maiinom . " Habang sabi ko sa kanya. "Ano kaba ako na , ako ang nag yaya sayo dito kaya dapat wala kanang alalahanin pa , Mag hanap kana ng Magandang Spot para makapag pahinga. " - cloe "Dun nalang Para mas madali mokong makita " Tinuro ko yung Hindi kalayuan para hindi na sya mag hanap saken. Napangiti ako sa kanya at habang papaalis na sya upang Pumunta sa malapit na tindahan . Ako naman nag muni muni habang nakatingin sa mga bahay na malapit sa bundok . "Kapag kaya dinala ko si mama Dito magiging masaya kaya sya " Sabi ko Sa isip ko habang nakatingin lang sa malayo. Si mama kasi simula nung mawala si papa hindi nya na nagawang mag pahinga kaya Sobrang naaawa ko sa kanya , kaya simula nun nag hanap narin ako ng trabaho at yun ang The Quiet House na pinapasukan ko mabait naman si ma'am sandy at madali lang ang mga gawain sa café. Mag tetake ka ng Order , mag gagawa ng kung ano ang order nila mag huhugas ng pinag gamitan mo at mag lilinis dahil marami din libro na nakapaligid sa café. " Huyyy . Ano hindi mo ba na eenjoy ang mga tanawin naten dito . ? " Tanong ni Cloe habang hindi ko namalayan na nandun na pala sya . " Na eenjoy . " " O baket hawak mo yang cellphone mo ? " - cloe Hindi ko na namalayan na nakahawak nanaman pala ko sa Cellphone ko habang nasa Ganitong Lugar ako , Kaya Binaba ko ang Cellphone ko at Nag kwento Kay Cloe " Simula kasi ngayon na bumaba na ang oras naten sa trabaho at bababa narin ang sahod kailangan ko kasing mag hanap pa ng isang trabaho . " " Ano ? Ano kaba alam mo ba ikaw ang kilala kong Babaeng Walang Pahinga . Ipahinga mo muna nga yang sarili mo !!! Ohhh.. kumain at uminom ka ? Hindi mo kasi kinain ang pagkain mo kanina . " - Habang inabot ni cloe ang Sandwich at Juice na binili nya . " Alam mo kasi si mama , nag babalat parin sya ng bawang At alam kong Hinding Hindi sya Titigil dun hanggang Hindi pa nakaka Graduate Si Jared , Umm alam kong hindi kayang Pag aralin ni mama si Jared na hanggang College kaya nag susumikap ako ngayon para sya nalang ang mapag tapos ko sa kahit Anong Course na Gusto nya , Si mama kasi Kahit hindi sya mag kwento saken nakikita ko sa kanya na nahihirapan na sya sa trabaho nya , Minsan nga tanong ko sa kanya Baket hindi nya yun ibenta ng may balat pa ang sabi nya Mas Mahal daw yun kesa sa may balat pa , kaya nag tyatyaga sya na Kahit hindi mag pahinga para lang mabenta nya yun ng mas mahal . Kagabi naalipungatan din ako at nauhaw pababa sana ko papuntang Kusina pero nakita ko si mama at huminto nalang ako sa hagdan , Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at yun ay alas 3 na ng madaling araw nag babalat parin sya . Hindi ko napigilan ang pag patak ng mga luha ko nung mga oras nayun kaya nag madali akong umakyat ulet sa kwarto ko. " Habang malungkot kong kwento sa kanya at nakatingin lang ako sa Malayo . " Hindi ko alam na ganun mo pala talaga kailangan ng trabaho . " - Habang may patulo ng luha sa mga mata nya . " Huyyy . Baket ikaw pa tong naiiyak ? " "Alam mo kasi ngayon ko lang kasi narinig ang ganyan kwento mo kaya hindi ako sanay . :( " - cloe "Umm . Ngayon ko lang din kasi na kwekwento ang mga ganitong nararamdaman ko sa ibang tao . " "Tara . !!! " Tumayo si Cloe at inabot ang kamay nya para tumayo narin ako Mula sa pinag kakaupuan ko . " Ha ?? Saan naman tayo pupunta ? " " Edi mag hahanap ng trabaho saan paba ? " - cloe " Saan naman tayo mag hahanap ng ganitong oras padilim na ? " " Marami pang bukas na restaurant kaya tumayo kana jan daliaan mo na . !!! " - Bigkas ni Cloe habang nag mamadali at pumara ng taxi . Si cloe nakakatuwa sya dahil kahit mas matanda ko sa kanya naiintindihan nya ang sitwasyon ko ngayon . Si Cloe kasi nag woworking student sya kaya mas okay sa kanya ang ganung oras na pag uwe sa trabaho , nag aaral sya kung saan nag aaral ang kapatid ko kaya alam ko kung ano ang ginagawa ng kapatid ko sa school kahit hindi man sabihin at o i kwento ni Jared. At bumababa kami at nag punta sa mga internet café para makapag pa print ng maraming Resume, Tumakbo kami at pumunta sa mga Restaurant na bukas pa . " hi po magandang gabi . Pwede po ba kaming mag tanong kung hiring po ba kayo eto po kasing kaibigan ko nag hahanap sya ng trabaho baka po may bakante po kayo na pwede sya . " - Sabi ni cloe habang pag papasa nya ng resume ko . "Pasensya na pero walang bakante samen ngayon . Kung gusto nyo bumalik nalang kayo sa susunod at baka meron na . " - Ale "Umm ganun po ba sige po , eto po ang Resume ng Kaibigan ko tawagan nyo nalang po sya kapag po may bakantena . " - cloe "O sige iha . . " - Ale "Maraming salamat po . " - Habang bigkas ni Cloe at umikot ikot pa kami sa mga tabing restaurant . Pero wala talagang bakante ang karamihan hanggang sa. " Hi po magandang gabi po nag hahanap po kasi tong kaibigan ko ng trabaho , baka po may bakante po kayo jan na pwede po sa kanya eto po ang resume nya . " - cloe " Pasensya na miss pero wala din kaming bakante ngayon . " - staff " Ahh ganun po ba sige po iiwanan nalang po namen ang resume nya , nanjan na po ang lahat ng Details nya kung sakali pong kailangan nyo po ng tao sya po ang tawagan nyo hindi po kayo mag sisisi sa kaibigan ko . Maraming salamat Po . " - cloe " Ummm . Sge :) " - staff Kinuha nung babae ang Resume ko pero wala parin daw silang bakante , pero may isang babaeng nag yoyosi ang biglang lumapit samen. Maganda sya at maganda ang damit nya sobrang haba din ng buhok at sobrang taas ng heel's na soot nyang sandals Meron din syang parang body guard kaya hindi ko inaasahan ang paglapit nya. " Nag hahanap kaba ng trabaho ahh . Iha ? " Sabi nung babae . " Opo ma'am nag hahanap po sya ng trabaho baka po may bakante po kayong trabaho na pwede po para po sa kaibigan ko . " Cloe "Psssshhhh . Wag kang maingay , ang gusto ko talaga yung mga katulad nyang tahimik lang . Akin na ang isa sa kopya ng Papel nya , pstt.. kunin mo at ibigay mo saken mamaya. " sabay turo at kuha naman ng Body Guard nya ng Resume ko at nauna naman sumakay sa magarang sasakyan yung babae habang nakasunod naman sa kanya yung lalaki At umalis . Hindi ko alam kung saan sya nag tratrabaho pero kinakabahan ako sa trabahong ibibigay nya , Maganda kasi sya pero muka syang masungit at suplada. " Tama nayan Cloe . . Anong oras narin . " Habang sabi ko kay Cloe at Hawak sa kamay nya , Pawis na Pawis na kasi sya at mukhang Pagod na . Kaya nag disisyon kaming Itigil na muna ang pag hahanap ng trabaho at Pumunta sa malapit na Buss Stop . " Mag pahinga ka at maraming salamat sa mga naitulong at ginawa mo saken ngayon araw , hindi ko alam pano ko yun masusuklian pero maraming salamat , umuwe kna at gabi na baka kung mapano kapa . " " Ikaw din mag pahinga ka at wag mong isipin na walang tatawag sayo ngayon :)) makakahanap karin ng trabaho kaya fighting . :))) " - Cloe Habang sabi ni Cloe at sumakay na sya ng buss . Medyo mag kalayo din kasi kami ng bahay at sa trabaho ko lang sya nakakasama talaga , mag kaiba din kami ng way kaya mag kaibang buss ang sasakyan namen . Nag lakad ako para makapag isip isip kahit na alam kong gabi na , may park din na malapit samen at umupo dun muna habang Umiinom na binigay na drinks ni Cloe kanina , hindi ko kasi yun nainom dahil nung bubuksan ko sana yun bigla ko nakwento ang about kay mama kaya nailagay ko sya sa bag ko . Umupo ako sa swing habang iniinom ang Juice nayun hanggang sa . Tumunog ang Phone ko at hindi naka save ang number nayu . ****Unknown number**** " Hello ? " " Maganda pala ang Boses mo kapag sa cellphone? " "Haaaa ?? Sino Ka . ? " Kinabahan ako dahil isang babae ang tumawag saken, pero natakot ako sa sinabi nyang mga salita . " Diba nag hahanap ka ng trabaho ? " " Haaa ? Pano nyo po nalaman ? " "Ako yung babaeng kumuha ng resume mo dun sa labas ng restaurant . . " Nagulat ako dahil ang hindi ko inaasahan na tatawag saken ay sya pa tong tumawag . " Ahhh . Opo nag hahanap po ko ng trabaho . " " Kung ganun pwede kabang pumunta bukas ng hapon dito sa Restaurant ko . ? " " Aahhhhh ... Ahhhhh... " Habang pautal utal kong sagot sa kanya . " Kung ayaw mo naman okay lang , mag hahanap nalang ako na iba ? " " Wait po hindi po , Gusto ko po ang trabaho . Sige po pupunta poko . " " Magaling . Aasahan kita . " Binababa nya na ang tawag at nag text sya , binigay nya ang exact address kung saan ako pupunta . Sobra kong kinakabahan Dahil Hindi ko alam kung anong Trabaho ang Ibibigay Nya pero kailangan ko talaga ng isa pang trabaho para kay mama at jared . Hindi ko narin namalayan ang oras kaya tumakbo ako ng mabilis para umuwe . Malapit narin kasi samen ang Park na pinag upuan ko kay mabilis naman akong nakauwe . Pag dating ko ng bahay si mama nakita ko syang nakatulog sa sahig habang Hawak hawak nya ang maliit na kutchilyo na pinambabalat nya sa bawang. Sobra kong naawa sa kanya kaya , kinuhaan ko sya ng sapin at dahan dahan ko syang Nilipat kinuha ko rin sya ng unan at kumot para maging Komportable naman ang Tulog nya . Tinuloy ko ang ibang natitirang bawang na babalatan ni mama hanggang sa hindi ko na namalayan. " Hoyyy nancy , gumising kana ?? " - Mama "Mmmm.. maaaa ... Haaaa ?? Anong oras na po ba mama ? " Habang Pasigaw kong sabi sa kanya . " 8:00 na ng Umaga kaya gumising kana ? " - Mama "Pero ang aga pa po pala ?" Habang medyo inis kong sabi sa kanya . "Ginising kita ng maaga para kumain ka , may Niluto akong pagkain dun nasa mesa kaya kumain kana bago ka umalis . " - Mama " Haaaaaaaa... !!!!!! " Habang pag Hihikab ko at Pag iinat . Bumangon ako sa pinag hihigaan ko at medyo sumakit ang likod ko hindi ko kasi namalayan na nakatulog narin pala ko kagabi habang nag babalat ako ng bawang . " Anong oras kana ba nakauwe kagabi ? Nag OT kaba Ulet sa trabaho mo ahh ? Hindi ko kasi namalayan na Nakauwe kana pala . " - Mama " Ano kaba mama , wag po ako ang isipin nyo kundi ang sarili nyo po . Kaya ko pa po ang sarili ko at sobrang lakas ko . Wag po kayong mag alala ssaken" Bigkas ko kay mama habang kumakain ako ng Niluto nya . "Mmmm. Sobrang sarap po ng niluto nyo mama. " " Sinarapan ko talaga yan para makakain ka ng marami napansin ko kasi na medyo pumapayat ka lalo sa pag tratrabaho mo anak kaya nag luto talaga ko ng marami kumain kalang jan " - mama Enenjoy ko lang ang pagakain na niluto ni mama . Habang nag vibrate naman ang Cellphone ko . "Haaa ? Sino ba to at ang aga agang nag text." bigkas ko sa isip ko kaya agad agad ko tong binasa . " Mamaya 6:00pm aasahan kita , pero kapag na late ka sa unang araw mo Hindi ko yun tatanggapin kahit pa anong paliwanag mo ? Maliwanag ba . ? " - unknown number Yung babae na kumuha ng resume ko nag text sya . Hindi ko alam kung pupuntahan ko paba sya dahil kinakabahan ako dahil hindi ko sya Kilala . Pero napatingin nalang ako kay mama kahit alam kong marami nakong nabalatan kagabi ng Bawang marami parin syang babalatan . Kaya hindi nako mag dadalawang isip pa na tanggapin ang trabahong yun na kahit ano pa . " Alis na po ako maaa . " " Mag iingat ka anak . :) " - mama "Ummm . Mag pahinga din po kayo . :) " Nag lakad nalang ako papuntang cafe dahil maaga pa naman Habang Dala dala ang pagkain na pinabibigay ni Mama Kay Cloe , Si Cloe Pumupunta sya samen minsan kapag may I kwekwento sya about kay Jared kaya kakilala narin sya ni mama . The Quiet House. " Goodmorning . " - Cloe " Ummm . Good morning nandito kana pala ? . " " Ummm maaga kasi kong pumasok dahil nag paalam ako na mas maaga kong uuwe mamaya . May last exam kasi kami bukas kaya balak kong mag review mamaya . " - Cloe " Ganun pala . Good luck kaya mo yan . :) " " Ummm . Ikaw baket ang aga mo pala ? " - cloe " Maaga kasi kong ginising ni mama kanina , nag luto kasi sya ng pagkain at ayan may dala ko para sayo sabi kasi ni mama ibigay ko daw sayo :) " " Wowwww . Talaga maraming salamat paki sabi kay tita the best talaga ang mama mo , nga pala maiba tayo mag tumawag ba sayo na pinag pasahan naten ng resume mo ahhh ... ? " - cloe " Umm meron. " " Talaga sino naman ? " - Cloe "Yung babaeng mukang masunget at humingi ng isang Kopya ng resume ko . " " Haaaa . Talaga ? baket sya ?? Anong sabi nya ?" - Cloe "Ummm . Ang sabi nya Pumunta daw ako mamayang 6pm sa binigay nyang address saken ng Restaurant nya , kaya mamaya pupuntahan ko sya." "Kinakabahan ako , gusto man kitang samahan mamaya kaso may exam kami bukas . Ayyyy baket kasi nag kasabay pa . " - Inis na sabi ni Cloe... Habang napakamot nalang sa ulo nya . "Ayyy. Ganito nalang , Ibigay mo Saken yung Address at dun ako pupunta mamaya pag tapos kong mag review . Para naman mapuntahan kita sa bago mong trabaho. " Bigkas ni Cloe habang naka ngiti sya. " Ano kaba Wag mo nakong isipin pa , kaya ko ang sarili ko at lagi din akong May dalang Protection Spray na palagi nating ginagawa . Kaya akong bahala " " Ayyy . Ano bayan sige balitaan mo nalang ako kung anong pinagawa sayo nung masunget na babaeng yun . " Habang malungkot na sabi ni Cloe " Umm . Galingan mo sa Pag rereview mo mamaya para isa ka sa makakuha ng mataas na Grades. " "Ano kaba kahit hindi mo na sabihin yan gagalingan ko talaga hindi ko rin papakawalan pa ang A+ Kong grade kaya wag kadin mag alala. Heheh . " Pag papa Cute at pag yayabang na sabi ni Cloe . Yung Protection Spray nga pala , Pinag halo halo lang namen ni Cloe ang Maraming Sili , Suka , Alcohol , Paminta at marami pang iba na makakasakit talaga sa mata nung Pag pipisikan nito. Kaya hindi rin kami ganung takot kapag halos late na kami umuwe at nag lalakad kung minsan sa kalsada . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD