Chapter 25 Nakakailang hakbang pa lang ako nang mabilis kong hinigit ang aking kamay mula sa mahigpit na pagkakahawak nya. Nilingon nya ako na puno ng pagtataka at kalaunay nagtaas sya ng kilay sa akin. " Anong ginagawa mo? Papunta na rito si Mira. Magkikita na kami ng anak ko " " Anak natin! " mabilis nyang pagtama sa sinasabi ko. Magsasalita pa sana ako ng muli sya magsalita " Makukuha natin si Mira. Just trust Me, okay? Trust Me, Mary… " may kung anong kirot ako naramdamdaman nang mag alinlangan sya na tawagin ako sa pangalan ko. Agad nya iniwas ang tingin sa akin ng mapansin nyang mapayuko ako. Habang nasa sasakyan ay tahimik lamang kami parehas. Walang gusto magsalita. Walang gusto bumasag sa katahimikan. Nakasunod kami sa sasakyan ng mga kaibigan nya. Pagbaba ng sasakyan ay nap

