Chapter 9

1992 Words
Chapter 9 Before this day end, we bow our heads and we pray that God will keep us safe and sound until another comes around. Amen Sabay sabay naming dasal ng mga bata matapos ang aming klase. " bye teacher dahlia " paalam ng ilang bata " teacher dahlia magtahi po ulit tayo bukas ha " masayang sambit ng batang si nini, morena ito at medyo kulot ang buhok, sa tantya ko ay kaedad ito ni liane " oo naman, basta palagi ka magaaral at susunod kela sister, okay ba yun? " mabilis namang tumango ito habang  ngiting ngiti kaya kitang kita ang bungi sa harap nya. Matapos ay nag paalam na ito sakin habang kumakaway paalis ng kwarto " napalapit na talaga agad saiyo ang mga bata Ma'am dahlia " ani sister sylvia. Ngumiti na lamang ako habang nanatiling nakatingin sa pinto, maya maya ay muli sya nagsalita " oo nga pala Ma'am dahlia gusto raw po kayo makausap ni mother Amelia "  pagkatapos ayusin ang gamit ay dumiretsyo na ako sa kwarto ng madre. " tuloy ka ma'am dahlia " anito nang makita ako " kamusta ang pagtuturo sa mga bata?, nagpapasaway na ba sila saiyo?" Bungad nyang tanong " hindi po mother, ang totoo po nyan sobrang saya ko mother amelia, sa loob ng dalawang linggo ay napalapit na ako sa mga bata at hindi naman nila ako pinahirapan " tugon ko. Tumango tango naman sya at sabay ayos ng kanyang salamin sa mata. " kaya malaki ang pasalamat namin sainyo mag asawa, malaking tulong ang morris industry dito sa bahay ampunan lalo na sainyo ma'am dahlia, ang bahay na ito ay naging makulay, ang mga bata ay naging aktibo hindi lamang sa pagaaral maging sa mga pagpipinta at pagbuburda " " wala po iyon mother, kagustuhan ko pong makatulong at maibahagi ang mga nalalaman ko, napalapit na sa akin ang mga bata " " alam ko " sabay ngiti nya ng banayad, " kaya bilang ganti sa kabutihan mo ay may surpresa ako sa iyo " tulad ng sinabi ni mother amelia, ay nagtungo ako sa playground. Hindi ko alam kung anong surpresa ang sinasabi nya. Habang papalapit ay rinig ko na ang hiyawan, tawanan at hagikgikan ng mga bata. Bumungad sa akin ang mga batang naglalaro dito, napangiti ako sa aking nakita, pero hindi pa rin nawawala ang pagtataka tungkol sa sinabi ng madre. " teacher dahlia! " sigaw ni nini sa di kalayuan " huwag ka masyado magtatakbo nadudumihan ka na oh " saad ko sakanya nang makalapit at habang pinapagpagan ang damit nyang may mga lupa " bumalik na po ang bestfriend ko teacher dahlia papakilala kita sakanya dali " sabay hila nya sa akin papalapit sa mga kalaro nya. " liane! Andito na si teacher dahlia " sabay lingon ng batang nakajumper. Hindi ako makapaniwala, nandito na ulit ang anak ko. Agad nangilid ang luha ko " hi po " sabay kaway nya sa akin at ngiting ngiti. Agad ko sya nilapitan at niyakap, lalo akong napahigpit ng yakap ng ipulupot nya ang kamay nya sa bewang ko. Mabilis kong hinawakan ang mukha nya at pinagkatitigan ito " sabi ni sister pwede na daw ulit ako magpunta dito " masayang sabi nya, halos manginig ang labi ko kakapigil sa pagiyak ko. Akala ko ay hindi ko na sya ulit nakikita Ito siguro ang sinasabing surpresa ni mother amelia. Napakiusapan ko kasi sya na  libre lang ang araw araw kong pagtuturo bilang tulong dito sa bahay ampunan sa isang kondisyon, hahayaan ulit nilang makadalaw dito si liane. Ito ang naging kasunduan ni rage bilang major sponsor ng simbahan, ibabanned ang sebastian at ipuputol ang ugnayan nila sakanila. Nalaman kasi ni rage na isa rin ang sebastian corp. na nagbibigay donasyon sa kanilang bahay ampunan. Ngunit lahat ng ito ay lingid sa kaalaman ni rage, sinikap ko makuha ang loob ng mga bata maging sila sister. Kinasabwat ko sila tungkol kay liane, sinabi ko na hindi dapat madamay ang bata tungkol sa away kumpanya na iyan. Dahil yun ang alam nila, hindi nila alam na personal na dahilan kung bakit nagawa iyon ni rage. Mabuti at malapit rin si liane sa mga bata dito bilang tuwing linggo ay dinadalaw nya ang mga kaibigan nya katulad ni nini. Masayang nakikipaglaro si liane sa lahat, habang ako ay hindi mawala ang ngiti kakapanood sa panganay kong anak. Habang nakikipaghabulan ay biglang huminto si liane at napalingon sa gawi ko sabay kaway at ngiti nya, ngumiti din ako at akmang iaangat ang kamay ng bigla syang sumigaw " daddy!" Natigilan ako, ang ngiti ko ay biglang naglaho napalitan ng kaba. Para akong nagkaroon ng stiffneck at para mahirapan sa pagpihit ng ulo ko kahit gustong gusto ko na lingunin ang nasa likod ko. Muling bumalik sa paglalaro si liane samantalang ako ay parang naestatwa sa kinatatayuan ko. Malamig at malawak ang playground pero damang dama ko ang papalapit na mabigat na awra nya at paginit ng paligid. Gustong gusto ko na umalis upang hindi kami magkita pero nawalan ng lakas bigla ang mga paa ko. " so teacher dahlia huh? " ang malamig nyang boses ang tangi kong narinig, para bang nabingi ako sa ingay ng paligid. Lihim ako humugot ng malalim na hininga at naglakas loob na harapin sya " yes, ako nga po? " sabay labas ng pilit na ngiti. Napatitig ako sa kanyang mukha, wala na ang madungis na liam, ahit na ang makapal na balbas at bigote nya. Para syang nag pa facial sa sobrang kinis at linis ng mukha nya ngayon, bagong gupit rin sya. Para bang pinaghandaan nya ang araw na ito. Bumalik ako sa ulirat ng marinig ko ang pag ngisi nya. " a-ano pa l-lang k-kailangan m-mo?" Napakunoot ako ng noo nang lalo lumaki ang ngisi nya " huwag kang kabahan, sinisigurado ko lang na ikaw ba si teacher dahlia " napalunok ako ng malaki at napaiwas ng tingin. Para akong bumabalik sa dati na nauutal at pinagpapawisan sa boses at titig nya pa lang. " h-hindi no.. b-bakit n-naman a-ako k-kakabahan " sambit ko habang nakatingin pa rin sa kabilang banda, kurot kurot ko ang kamay at pakiramdam ko ay namumuti na ito sa sobra kong kaba. Nagtataka ako dahil nanatiling tahimik ang paligid, hindi na sya muli nagsalita pero ramdam ko pa rin ang mainit nyang katawan sa tabi ko. Dala ng kuryosidad napalingon ako sakanya, halos mapa atras naman ako sa matalim nyang titig sa akin, hindi ko sya maintindihan kanina ay lakas nya akong asarin ngayon naman ay parang kakainin na nya ako nang buhay sa talim ng mata nya. " is this yours?" Out of nowhere nyang tanong. Mula sa kanyang mukha ay napatingin ako sakanyang hawak, isang panyo. sa disenyo nitong mga bulaklak at  kulay dilaw ay masasabi kong iyon ang binigay kong panyo kay liane. Mabilis kong inagaw yon sakanya pero mabilis nya ring nilayo ito sa akin " ano ba, sa akin nga yan kaya ibalik mo na sa akin " saad ko habang pilit na kinukuha ang panyo Hindi ko na makuhang tumingin sakanya dahil nagdudulot lang lalo nang taranta ko ang mga tingin nya sa akin. " paano napunta saiyo ito? " muli nyang tanong. Tumingin ako sakanya pero agad ko din binawi. Kainis bakit ba ganya  sya makatitig para akong may nagawang masama sakanya. " ano bang paki alam mo " masungit kong sagot habang pilit na kinukuha pa rin ito sakanya. " ano ba---" " uuuyyy " parehas kami tumigil at napatingin sa gilid. Halos lahat pala sila ay nakatingin na sa aming dalawa, ang mga bata ay tuwang tuwa sa amin,  sila sister naman ay kinikilig sa nakikita at sa oras na ito ay parang gusto na magkalovelife. Napatikhim ako ng malakas at napa ayos ng sarili, dumistansya na rin ako sa kanya mamaya magkaisyu pa kaming dalawa at makarating kay rage. Ayoko mangyari iyon. Bahagya ako nagitla at magtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan ng may binulong sya sa akin" hindi ko ibabalik sa iyo ito hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung saan mo ito kinuha at kanino galing " ang t***k ng puso ko ay nagwawala ng todo. " liane let's go!" At mabilis na silang umalis. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Para akong nanghihina sa oras na ito. Panyo lang iyon, pero bakit pakiramdam ko ay naiiugnay nya pa rin kay mary ang ganung bagay. Hindi ko maintindihan. Muling lumipas ang araw at dumating na ang araw ng linggo, masaya ako nagtungo sa bahay ampunan, maaga ako gumising upang magluto ng mga babaunin, pinasobrahan ko din para sa ibang bata at para kay liane. Ginawa ko ang baked mac hindi ko alam kung ito pa rin ang paborito nya, bahala na. Natapos na kami lahat lahat sa klase, sa activities. Wala pa ring liane na dumadating.   Hindi na ako mapalagay kakahintay sa playground. May mangilan ngilang bata ang naglalaro pero hindi tulad ng pag andito si liane ay halos parang may rambulang laging nagaganap. Nakita ko si nini na nagduduyan mag isa, lumapit ako dito at umupo sa isa pang duyang katabi nito " bakit ka magisa dito nini? Hindi mo ba kasama si liane? " alam kong wala ito ngayong araw, pero gusto ko pa rin makasigurado. " sabi ni sister, hindi daw pinayagan si liane " malungkot nitong sagot. Napabuga naman ako ng hininga, maging ako ay nalungkot din "  huwag ka magalala, kakausapin ko uli si mother amelia para payagan na sya ulit makapunta dito " mabilis syang umiling na pinagtaka ko, pinilig ko lalo ang ulo ko papalapit sakanya dahil yukong yuko sya at natatabunan ng kulot nyang buhok ang mukha nya " hindi po si mother, yung daddy po ni liane. Ayaw na po sya papuntahin dito " nagulat ako sa sinagot nito, bakit pati naman si liam. Napahilamos na lang ako ng mukha, hindi pwede mapunta sa wala lahat ng ito, bwisit na lalaki talag ito nakikisali pa. Tulala ako habang pauwi ng bahay. Pagkatapos ilagay sa sofa ang mga gamit ay nagtungo na ako sa kusina upang kumuha ng tubig. Naabutan ko doon ang isang tauhan na hindi alam ang gagawin sa coffee maker " magkakape ka?" Tanong ko dito " hindi po madam, nagpapatimpla ng kape si senyor rage at sa bisita" " bisita? Sino si rick? " tanong ko, umiling naman ito " hindi po " sagot nya. " sige ako nang bahala, ako na rin maghahatid doon " pagkatapos tumango ay umalis na sya. Habang nagaantay ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang ginawa ni liam. Hindi kaya dahil sa panyo, kaya hindi nya pinayagan si liane?. Pero paano mangyayari yon? Isang simpleng panyo lamang iyon para pagdudahan nya pa ako?. Bumalik ako sa ulirat ng matapos na, dala dala ang ang dalawang kape na nakalagay sa tray ay nagtungo ako sa opisina ni rage. Kumatok muna ako nang dalawang beses bago pinihit ang seradura. Bumungad sa akin sa loob ng kwarto ang dalawang lalaki, Ngumiti ako kay rage nang magtama ang aming tingin habang sya ay nakaupo sa swivel chair nya. " ang aga mo ata ngayon? I thought mamaya ka pa? " pinagwalang bahala ko ang tanong nya at napatingin sa lalaking nakaupo sa single couch habang nakatalikod sa akin. " hindi kasi nakapunta yung isang bata, kaya hindi natuloy yung pag tutor ko " sabay lapag ko ng kape sa table nya. Hindi ko alam pero parang namumutla sya at hindi mapakali na ewan. Hindi ko na lang pinansin at saka bumaling sa kasama nya, paglapag ko ng kape sa harap nya ay saka ko nakilala ang bisita nya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at manlaki ang mata ko, parang nawala bigla ang lakas ko para manginig ang tuhod at kamay ko dahilan para mabitawan ko kaagad ang baso at natapon ang ilang laman nito. Anong ginagawa niya dito? Anong ginagawa ni liam sa bahay namin? Agad ako dinaluhan ni rage at inalalayan sa pagtayo, mula sa aking likod inakbayan nya ako at pinulupot ang kamay sa aking katawan at hinawakan ang nanlalamig kong palad habang nakatitig sa akin si liam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD