Chapter 7
Maghapon ay naglinis ako ng bahay at ako na rin ang nag ayos ng mga bagong biling gamit, ako na ang gumuwa ng lahat dahil balak nya pa kumuha sa agency ng maglilinis. Magisa lamang uli ako dito dahil may negosyo rin dito sa pilipinas si rage at ito muna ang pinagkakaabalahan nya ngayon dito. Samantala ako ay nanatiling nakakulong pa rin sa bahay.
Para hindi maboring kinuha ko ang mga pinamiling mga tela at sinulid. Nagsimula na ako mag burda. Una ay hindi ko pa alam kung anong itatahi ko kung anong disenyo ang ilalagay ko. Naisip ko ang mga anak ko. Pero baka makita ni rage at mapurnada pa ang pag stay namin dito. Pagkakataon ko na rin ito para makita si liane at lira.
Kaya naisip ko ay bahay, at sa itaas nito ay may nakasulat na home. Tipong kahit simple lang ang disenyo ng bahay basta kasama mo ang pamilya mo, matatawag mo na itong isang masayang tahanan. Ilang oras ko din ginawa iyon, halos mangalay na ang balikat ko at kamay. Nanakit na rin ang mata at hindi ko na namalayan na gabi na pala. Napasarap ako sa pagbuburda. Maya maya ay narinig ko ang papadating na sasakyan ni rage. Kaya mabilis akong kumilos at tinago ang lahat ng gamit sa kahon at tinago sa ilalim ng kama.
Para hindi mahalata ay bumababa ako at sasalubungin sya mula sa pinto ng sala. Nang mamatay na ang makina ng sasakyan, bigla ako kinabahan nang bumaba na ang lulan nito, ngiting ngiti sya sa akin habang naglalakad papalapit sakin. Para akong bumalik sa nakaraan noong lagi ko sya hinihintay umuwi. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, napangiti na lang ako ng may dalang bulaklak si liam, lagi nya ako dinadalhan nito at hindi sya nagkukulang na pakiligin ako. Parang araw araw nya ako nililigawan kahit may anak na kami. Ang itsura nya ay maaliwalas, hindi ko mapigilan na mapangiti habang pinagmamasdan ang mukha niya
Hanggang sa huminto sya sa harap ko, unti unti na rin lumiliwanag ang kanyang mukha, ang mukha ni liam na napalitan ng mukha ni rage. Namamalikmata lamang pala ako, agad na napawi ang ngiti ko ng makitang si rage pala talaga ang lalaking nasa harap ko, ilusyon ko lang pala ang lahat. Ngiting ngiti si rage na parang pakiramdam nya ay para sakanya ang kasibikan na makita sya. Kaya bago pa nya mahalata ay yumuko na agad ako.
Pilit inaalis sa isip ko ang mukha ni liam.
Kinaumagahan, sa terrace ay pagbuburda na agad ang pinagkaabalahan ko, nagkalat ang gamit sa ibabaw ng lamesa habang umuusok ang mainit na kape. Maaga rin umalis si rage, hindi ko alam kung sa trabaho nya sa kumpanya o hindi kaya ang paghahanap kay mira. Hindi ko alam kung ilang oras na ako sa ginagawa ko, basta ang alam ko nageenjoy ako sa ginagawa ko.
Napatigil ako sa aking ginagawa ng may mapansin ako papasok sa gate na hindi pamilyar na sasakyan, binababa ko ang mga hawak at dali dali ako lumabas, sinarado ang pinto ng kwarto at mabilis na bumaba.
Napakunot ako ng noo ng Sumalubong sa akin ang ngiting ngiting si rick " good house " sabay pasada nya ng tingin sa loob ng bahay, napansin ko naman na bumalik na sa pwesto ang mga guards, binalik ko ang tingin sa lalaking nasa harap ko " ano ginagawa mo dito " walang gana kong tanong, hindi naman nya pinansin ang tanong ko at dire diretsyo pumasok sa loob, pinagmasdan ko lang ang ginagawa nya at sabay upo nya ng komportable sa couch.
Wala syang ginagawa sakin pero hindi ko alam kung bakit ang init ng ulo ko sa lalaking ito. Marahil ay isa sya sa nakakakilala sakin at isa sa kaibigan ni liam. " rage want to take you out later " sabay lapag nya ng mga malalaking paper bags sa lamesa. Pinasadahan ko lang ito ng tingin at muling bumalik sakanya " ano ba dapat itawag ko sa iyo? Mary ? Dahlia? "Umakto naman sya na parang seryoso sa sinasabi nya, sabay mahinang tawa nya. Hindi ko alam kung pinagtitripan ako ng lalaking ito o sadyang nangaasar.
" makaka alis kana " malamig kong tugon. Tinaasan nya lang ako ng kilay at ngumisi " ako ang maghahatid sayo kay rage, kaya sa ayaw at sa gusto mo maghihintay ako dito " kumukulo na ang dugo ko dito sa lalaking ito, akmang aalis na lang ako ng muli sya magsalita " pwede na sa akin ang kape kung wala kayong juice " mariin akong napapikit at napayukom ng kamao. Saktong may papasok sa isang bantay kaya sakanya ko na lang inutos ang hinihingi ng bwisita.
Saktong 6pm na ako natapos mag ayos ng sarili, pagbaba ko ay napaangat ng tingin si rick sa akin mula sa pagcecellphone. Kitang kita ko ang pagpasada nya sa kabuuan ko at napalunok, hindi na ako naghintay sakanya at nagdire diretsyo na sa paglabas. " alam ko na kung bakit patay na patay sayo si rage " halos magtayuan ang balahibo ko sa batok ng bulungan nya ako sa tenga, kaya agad ako pumasok ng pagbuksan nya ako ng pinto ng sasakyan.
Nanatili lang ako nakatingin sa labas ng bintana dahil ramdam ko ang paninitig sa akin ni rick mula sa rear mirror. Sa totoo lang kinakalibutan ako sa malagkit nyang titig, kung hindi lang ito kaibigan ni rage mapagkakamalan ko itong manyakis at hinding hindi ako lalapit sakanya. May itsura naman sya pero meron sakanyang awra na mukhang hindi mapagkakatiwalaan.
Tumigil kami sa isang restaurant. Mabuti naman at naiwan sa sasakyan si rick dahil hindi ako kumportable na kasama sya. Pagpasok ay hindi naman ako nahirapan hanapin si rage na naghihintay sa akin, pilit ako ngumiti ng tumingin sya sa akin. " you are so beautiful " bungad nya ng makaupo ako, muli akong ngumiti ulit at hindi alam kung ano isasagot sakanya.
" we are still tracing mira, na locate namin sya sa mindoro, malapit na natin sya makita " si rage pagkatapos namin ibigay ang order sa waiter. Hindi ako nagsalita, sa totoo lang napapagod na ako at nagsasawa na sa lahat ng pangako niya . Saka na lang ako magpapasalamat sakanya kung hawak ko na si mira.
Ilang minuto ay dumating na ang order namin, habang nilalapag ng waiter ang pagkain ay hindi ko sinasadya na masagi ang baso na may lamang ice tea, kaya agad ako napatayo upang hindi mapunta sa damit ko lahat ng natapon
" s**t! Call your manager now! " bulyaw ni rage sa waiter na kanina pa hingi ng hingi ng pasensya sa akin. " hindi wag na " saad ko sa waiter na kanina pa namumutla " kasalanan ko rage " sabay tingin ko kay rage upang uminahon.
Nag excuse muna ako sakanya para mag cr, mabuti at kulay maroon ang suot ko kaya hindi ganun kahalata. Agad ako pumasok sa loob at kumuha ng tissue, habang pinupunasan ko ang nabasang parte ng damit ay may pumasok sa loob, nagtaka ako dahil nilock pa ang pinto, pero hindi ko na lang pinansin dahil baka ganito talaga mag cr ang mga mayayaman.
Natigilan ako sa ginagawa ng pakiramdam ko ay may nanonood sa ginagawa ko, kaya agad ko tiningnan ang taong nasa gilid ko. Ganun na lamag ang pagkabigla at para mabitawan ang hawak ko. " l-liam?... Anong ginagawa mo dito? " tanong ko sa kanya na matalim na nakatitig sa akin, sa isang iglap ay mabilis nyang hinakbang ang pagitan namin at mabilis na binalya sa pader.
Nagulat ako sa ginawa nya at bahagya pa ako napangiwi dahil sa pwersa ng pagkakadikit nya sa kin dito. Higit higit ko ang hininga ko dahil sa sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko. Halos maduling na ako habang papalit palit ng tingin sa mga mata nyang nanlilisik. Ngayon ko lang uli naramdaman ito, mga mabibigat nyang titig sa akin na nagdudulot ng panghihina ko.
Kahit kunot ang kilay nya sa akin, gustong gusto ko ang posisyon namin. Malapit ako sakanya, pinalibutan ko ng tingin ang buong mukha nya. Ganun pa rin pero may makapal na syang bigote at balbas. Bakit hindi nya inaayos ang mukha nya, alam naman nyang ayoko ng mukha syang madungis, bilang may ari ng kumpanya dapat ay mukha syang disente at malinis.
Bumalik ako sa ulirat ng Hawakan nyang mabuti ang dalawa kong balikat, " huwag mo ako titigan na parang naiinis ka sa itsura ko " natigilan ako, ganun na ba ako ka obvious?.
Ako naman ngayon ang naconcious sa sarili dahil sa pagtitig nya sa akin mula ulo hanggang paa parang pinagaaralan nyang mabuti ang buo kong katawan " a-ano ba bitawan mo a-ako nasasaktan ako " lakas loob kong pigil sa ginagawa nya sa akin pero hindi ko mapigilan na hindi kabahan. Parang wala syang naririnig at nanatili sa posisyon nya.
" malalaman ko rin ang katotohan " Lalo akong kinabahan sa boses nyang malalim.
" h-hindi ko alam a-ang sinasabi m-mo " hindi ko na mapigilan na magkanda utal utal. Gustong gusto ko na sabihin sakanya ang totoo. Nasa harap ko na sya pero nawalan ako ng lakas ng loob. Iniisip ko ang kalagayan ni mira.
" pwede ba tigilan mo na kami " lakas loob kong saad sakanya. Akmang magsasalita muli sya ng biglang may kumatok sa pinto. Saka ko lang ulit naalala na nasa cr kami ng restaurant at kaming dalawa lang ang nandito.
Kitang kita ko ang pagpipigil ng galit at pag igting ng kanyang panga. Natatakot ako na pag sinaktan nya ako masabi ko sakanya kung sino ako. Sunod sunod na ang pagkatok na parang nagmamadali, saka nya lang ako binitawan ng pabalang at umalis sa aking harapan, nakahinga na ako ng maluwag ng lumabas sya ng cr na parang walang nangyari habang ang mga naghihintay sa labas ay takang taka dahil may lalaki sa loob ng ladies room.
Napakapit na lang ako ng mahigpit sa lababo. Napahawak ako sa dibdib ko at ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko habang naghahabol ng hininga.
" iww, so cheap walang pang hotel kaya sa cr na lang gumawa ng milagro " napatingin ako sa dalawang babae sa salamin habang nagriretouch ng kanilang mukha sa tabi ko. Dala ng hiya ay umalis na lang ako dahil alam ko ako naman ang pinaguusapan nila.
Nagmamadali ako makarating sa lamesa namin ni rage " are you okay? You look pale " sabay haplos nya sa aking pisngi " o-okay lang ako " pagsisinungaling ko. Agad nawala ang pilit kong ngiti ng mapadako ang mata ko sa lalaking nasa kabilang lamesa. Nakatitig sya sa akin kahit may kausap na iba, sa bawat pagsubo at paginom nya ay hindi nawawala ang tingin nya. Para akong makukumbulsyon sa ginagawa sakin ni liam
Hindi ko alam kung sinasadya nya o ano, para na akong mahihimatay sa sobrang kaba ko, umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kaya makipagtitigan sakanya. " are you sure you okay? " sabay hawak nya sa kamay ko na nasa ibabaw ng mesa, pero bago pa ako makasagot ay muli ako napatingin kay liam dahil sa malakas nyang tawa. Napakunot ako ng noo dahil para syang tanga dahil sya lang ang maingay maging ang ibang kumakain ay napatingin na din sakanya.
lilingon na rin sana si rage para tingnan kung sino ang taong yon kaya mabilis ko hinawakan ang kamay niya. " u-umuwi na tayo " mabuti at mabilis naman syang pumayag, marahil akala nya ay masama talaga ang pakiramdam ko. Ang hindi nya alam ay si liam ang dahilan ng pagkabalisa ko na hanggang sa makaalis kami ay masama paring nakatitig sa akin.