Chapter 27 Nagaagaw pa lang ang liwanag at dilim nang magising ako, pakiramdam ko ay hindi ako nakatulog nang maayos. Naghilamos muna ako at nag toothbrush, napatitig ako sa salamin dahil sa namamagang mata hindi ko na lang din binigyan pansin dahil wala naman na makakakita. Hindi ko alam kung nasaan na si Liam pagkatapos nang nangyari kagabi, marahil ay umuwi na at malamang ayaw nanaman nya ako makita, ano pa nga ba magagawa ko? Kasalanan ko naman lahat. Nagpalit na lang ako ng t-shirt at nagpusod ng buhok habang patungo sa kusina ngunit napahinto ako nang maaninag ko ang isang itim na sasakyan sa labas. Kanino yun? Bulong ko sa sarili. Kaya agad ako lumapit sa bintana at sumilip. Napa atras ako at muli binalik ang kurtina nang makita ko si Liam na tulog sa loob nito. Ibig sabihin hin

