FIRST JOB - FIRST COLLEAGUES!

646 Words
CHAPTER 3 Nandito na ako ngayon sa bagong kumpanyang papasukan ko ang O******* Corporation :) Grabe mahigit 3 hours din ang biniyahe ko, matagal tagal din pala. Kaya dapat agahan ko talaga ng sa ganon hindi ako malate. Dumirecho ako sa HR Kung saan sila daw ang maghahatid sa akin kung saang department ako naka assign. (I know Creative Dep't naman talaga ako maaasign) Pag akyat ko ipinakilala nya na ako sa lahat. "Good morning creative department I would like to introduced Mr. IC Cruz our new E-commerce from now on and IC .. (Sabay baling nya ng tingin sa akin) This is your company .. Joan Villarez supervisor at marketing Lynnel Sue supervisor of Graphic Reid Onabruz Fashion Designer Adhonis Yariv Marika Labia Clarrence Eri Angelo Ramos Wilson Reja Richard Lowell And wait where's nina? Anyway this are your coworkers. So maiwan na kita sa kanila huh :) "Sige po mam thankyou po." At pag alis nya pinaupo nako ni Ms. Joan sa tabi nung Richard. Pinagmasdan ko muna ang magiging office ko simula ngayon, di naman kalakihan yung department namin .. (Kaming marketing ang malapit sa slidedoor. (papuntang west) Bale may tatlong upuan para sa mga marketing (ako ang nasa right at si chard naman ang nasa left at ang nasa gitna diko alam kung sino ... Tapos may division, bale ang nasa kabila o yung nasa harapan ko ay yung aking magandang supervisor at katabi nya yung warlie at clarrence (sana ako nalang yung katabi >_ Lumapit sa akin ang Supervisor ko. "Welcome IC, Just enjoy your work here, and for sure na mag eenjoy ka sabay tapik nya sa balikat ko at bumalik na sya sa kinauupuan nya. Sa una mahirap talaga kaya nangangapa pa ako ng gagawin ko,medyo nahihiya rin ako magtanong sa katabi ko. Then naiilang pa ako kasi kaharap ko pa yung Supervisor ko kasi tingin din ng tingin sa akin? (Napangisi nalang ako ng pailalim kasi napaka ambisyoso ko! Hindi ba pwedeng Under observation pa ako since first day ko) Actually madali lang naman ang gagawin ko ito ay ang E-mail blast at Text blast at iba pang related sa Marketing. Alam ko naman sa susunod at sa mga susunod na maraming araw ay hindi lang to ang gagawin ko. LUNCH TIME " Hi IC sabay kana sa amin mag lunch -Marika "H-huh? A-ah eeh dito na lang ako" Pero ang totoo nahihiya lang ako sumabay. "Sus! wag kana meheye ... okay lang yern ... may mga baon din naman kami (pabebeng sabi nya with matching pungay ng mata. *Try to imagine yung pabebe talaga ^___^ "Oo nga IC sabay kana sa amin! Wag mo kasing takutin Marika" :D pagbibiro ni adhonis kaya hinampas tuloy sya sa balikat ni Marika at sabay pout ng lips. Ang cute nya ah! Grabe ang daming maganda dito haha sa isip isip ko. Pero at the end napapayag din nila ako, chochoosy paba ako? Syempre hindi na. Sa isang karinderya kami kumain malapit sa office kasabay ko silang lahat maliban sa fashion designer namin dahil may tinatapos pa daw sya. "IC.! tawag sakin ni Marika. "Poh? Natawa sya bigla. "Wag mo nga ako pinopo halos di naman tayo nagkakalayo ng edad eh. Ilan taon kana ba? pagtatanong nya sa akin na akala mo'y dalawa lang kaming tao na nag uusap. "21 Sagot ko. "Tss. Tignan mo matanda ka pa pala sa akin ng isang taon pero di porket ganun ipopo mo ako mag ka level lang tayo nuh. Sabay ngiti nya. Parehas kare kare ulam namin,kaya kinutchaan kami ng mga ka officemate ko, nagkataon lang naman din kasi. Hindi sila mahirap pakisamahan lalo na si Marika. Sobrang close ko agad sya. Feeling ko nga matagal ko na syang kakilala kasi ang gaan ng loob ko. Mukang magiging masaya ang pagpasok ko araw araw dahil hindi naman pala Boring kasama ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD