(LENA'S POV) Lampas isang linggo na ang nakalipas mula noong huling beses kong nakita at nakausap si Nad kaya naman miss na miss ko na siya! Gabi na naman at hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya umuuwi sa akin. Ni wala siyang paramdaman man lang sa akin kung kumusta na ba siya o kung nasaan ba siya. Kung saan ba siya nagpapalipas ng gabi. Bukod sa pag-aalala kong baka galit pa rin siya sa akin ay nag-aalala rin ako sa kaligtasan niya. Gusto ko nga sanang bisitahin siya sa spa na pinagta-trabahuhan niya pero hindi ko ginawa dahil baka lalo lang siyang magalit sa akin. Baka rin makita pa ako roon ng lalaking naging una kong masahista na naka-s*x ko na rin at malaman pa ni Nad ang nangyari na maging dahilan ng paglala ng disappointment niya sa akin. Kaya ngayon ay hindi ko

