Habang abala ako sa pagkain ng ice cream at pagkain na binigay sa akin ni Asher habang siya ay nakaharap sa mga tauhan niya at ako naman ngayon ay nakatingin lang sa kanila at nakikinig lang sa kanilang mga usapan at hindi na ako pinigilan ni Asher kung ano man ang aking malaman o kung ano ang marinig ko sa kanila. Sabi pa niya sa akin makinig nalang daw ako sa usapan nila at isaisip ko pero ako nakikinig naman ako pero panay naman ang tingin nila sa akin kabilang na doon ang ibang tauhan ni Asher, hindi ko naman gaanong kinakausap si Asher kasi naguguluhan pa ako sa kanyang mag sinabi at sa mga nangyayari pero dahil sa may alam na ako at sabi sa akin ni Asher kabilang na ako sa organization nila kailangan kung makinig pero hindi naman niya ako tinanong kung gusto ko ba o ano ang nais ko

