Nakatulala lang ako habang nakatingin ako sa salamin dito sa loob ng banyo at nakahubad ako ng makita ko ang kiss mark sa aking balikat, hindi lang isa kundi tatlo ito. Hindi parin ako makapaniwala hanggang ngayon na meron ako nito at ang mas malala si Asher pa ang naglagay sa akin ng ganito, akala ko hahalik lang siya pero hindi nagtagal naging ganito na at ngayon hindi ko alam kung ano ang aking ihaharap sa kanya lalo nasa kanyang mga tauhan dahil baka makita ito at sitain nila ako, hindi na ako magtataka doon kaya mas mahalaga na itago ko nalang ito at huwag ipakita upang wala akung marinig na kwento na naman. Aminado naman ako na alam na nila kaaggad kapag nakita nila ito pero hindi parin kasi ako sanay, ngayon lang naman ako nagkaganito kaya sa malamang hindi ko alam kung ano ang aki

