Habang kumakain kami ni Asher hindi parin ako kumikibo at hindi ko alam kung ano ang aking sunod na sasabihin sa kanya matapos ng kanyang sinabi sa akin para akung lutang na hindi ko alam, aminado naman ako na baka nagbibiro lang siya at sinasabi sa akin ang bagay na iyon upang guluhin ang aking buong isipan, sino ba naman ang hindi magugulat at kakabahan sa kanyang sinabi. Habang sumusubo ako ay alam kung nakatingin siya sa akin at naghihintay kung ano man ang akig maging sagot sa kanya. Parang hindi naman ako makakain ng maayos dahil sa alam kung nakatingin siya sa akin at naghihintay sa aking maging galaw, bakit ba naman kasi niya sinabi na gusto niya ako? Mas lalong ginugulo lang niya ang aking buong utak at puso dahil sa kanyang sinabi. “Wala kaba talagang sasabihin sa akin matapos

