Kumakain ako ng soap habang nasa harapan ko si Asher at may kinakausap ito sa kanyang cellphone at napapatingin ako sa kanyang dark blue na mask na kahit kailan hindi niya talaga tinatanggal kapag ako ang kanyang kasama pero kapag tauhan niya siguro ang kanyang kasama kinukuha niya ang kanyang mask. Minsan napapatingin din naman ito sa akin at tinitignan ang aking kinakain at wala naman siyang sinasabi dahil baka kung magsalita ako sermunan niya ako sa ginawa kuna naman doon sa tunnel niya, binalaan pa niya ako na huwag na akung bumalik doon dahil talagang malalagot na ako sa kanya. Sinabi pa niya sa akin na ang mga aso niya doon ay na trained na magbantay doon kaya sa malamang kapag bago kalang doon talagang lalapain ka nila at ang pumapasok lang doon ay ang mga kilala ng aso at malimit a

