Hinihintay ko si Asher na dumating habang nakahiga ako dito sa sofa sa rest house at kumakain ng fries na binigay sa akin ng kanyang ibang tauhan kaya kinain kuna din, akala ko kanina mahirap umakyat dito pero tumayo lang naman ako sa kahoy tapos may humila sa akin pataas at pampaganda lang pala ang hagdan na iyon dahil may ibang daan, akala ko doon ako dadaan kanina kasi ang hirap naman lalo pa at sobrang taas. Binabantayan naman nila ako sa ibaba at hindi naman sila dito sa loob ng resthouse dahil dinig ko pinagalitan sila ni Asher kaya bumaba sila at doon lang sila sa ibaba. Ang tagal nga ni Asher ilang oras na ako dito pero ang sabi ng kanyang mga tauhan nasa private plane palang daw dito at hindi ko alam kung ilang oras ang kanilang byahe pero ang tagal talaga niya, cellphone lang ang

