Girlfriend Medyo natagalan ang pagbalik ni Ken. Namalayan ko nalang na halos 30 minutes ata siyang nawala. Buong akala ko ay di na ito bumalik pero noong pumasok siyang muli at may mga dala nang supot na mukhang binili niya roon sa kalinderya ay nabura rin ang aking pinag-iisip. "Sa kanto ka lang namili?" tanong ko at nilapitan siya. Tumango siya at inilahad iyon. Kinuha ko iyon saka ako nagtungo sa kusina. Sumunod naman ito. Kumuha ako ng mga bowl lalo na't limang putahe ata ng ulam ang kanyang binili. Hanggang gabi na ata ito... "Eh ba't ang tagal mo?" tanong ko nang lumebel rin siya sa aking gilid at tumulong. Ngumuso siya at nanatili ang tingin sa ulam. "May ginawa lang saglit." Tumaas ang aking kilay. Ngumisi siya sa akin. "Di ka ba magpapalit ng damit? Wala bang pumapasok

