Galit Sa gabing iyon ay nagawa niya pa akong kantahan ng Marry Me by Train. Sobrang lamig ng kanyang boses at idagdag pa ang medyo paos na bedroom voice niya. Kahit anong kapit kong h'wag mahulog, kahit anong sikap kong humawak sa natitirang katinuan sa akin ay tuluyan na akong nawalan ng pag-asa. Baka hindi lang siya ang kusang lumuhod sa oras na ito dahil pati ako ay nanginginig narin ang mga tuhod at handa nang sumuko ano mang oras. Nagtuloy-tuloy ang pakiramdam ko sa bawat araw na lumipas. Hindi naman nawala ang pagiging persistent niya sa pangliligaw sa akin at minsan ay nagtatalo na kami sa isang bagay. "Hindi nga ako nagpapabili kaya h'wag kanang bumili ng kung ano-ano!" inis kong sabi sa kabilang linya. "Anong kakainin mo kung wala akong bibilhin? And I want to see you...

