Duties Nagconcentrate nalang muna ako sa pagrereview. 1 week akong naging busy sa school at nakakausap lamang si Ken pag nasa Restaurant na ako lalo na't siya parin ang naghahatid sa akin pauwi. Wala pa naman akong desired course sa college... nalilito pa ako. Minsan ay kinakatok ko nalang ang ulo ko dahil mukhang hindi na gumagana ng maayos at masyado nang nabubugbog. Nagdadala rin ako minsan ng mga notes sa Restaurant para pumuslit sa pagbabasa pag vacant time ko na. Sa fountain madalas ang aking tambayan lalo na't doon lang rin ako nahahanap ni Ken. Nagulat nalang ako nang may biglang humalik sa aking noo. Tumingala ako at nakita ang imahe ni Ken na mukhang kakarating lamang. "Masyado ka atang busy sa pagrereview ah?" Tumabi siya sa akin sa inuupuan ko rito sa stage. "Exam na nami

