Handang handa Nagulantang ako ng husto sa sinabi ni Ken na kahit noong pagpasok ko sa kotse ay iyon parin ang iniisip ko. Liligawan niya ako? Ano iyon... May gusto siya sa akin?! Ang playboy na ito ay nahulog sa akin?! Gusto kong humagalpak ng tawa at magbunyi sa aking pagkapanalo pero kinimkim ko na lamang iyon. Papayag ba ako? Pag nanligaw siya, ibig sabihin ay may tsansang maging kami. At ayoko namang matali sa lalakeng ito! Ayokong magkaroon ng karanasan sa isang playboy pa mismo! Hmm, ganito nalang Marione. Let him court you. Paluhurin mo sa'yo. Show him na ikaw dapat ang palaging masunod sa inyong dalawa. Chain him to you. That's it! Nasa daan ang kanyang mga mata habang ang akin naman ay naglalaro sa labas ng bintana, nangingislap at natatangay sa aking pinag-iisip. Kumikinang

