Too Much Sa araw na iyon ay nanood kami ng sine ni Eunecia. Siya ang namili ng pagkain habang naiwan naman akong tinitingala ang mga now showing. May biglang lumapit sa akin, kitang-kita ko ang imahe nito sa gilid ng aking mga mata kaya lumingon agad ako. "You look familiar..." aniya. Tiningnan ko rin ang babaeng hindi ko mamukhaan sa suot niyang haltered top, fit jeans at black boots. Ang kanyang buhok ay naka bun kaya litaw na litaw ang collarbone at makinis ang balat. Kaso kahit anong haluglog ko sa aking isipan kung sino ito ay hindi ko talaga kayang maalala. "Remember me? I am one of Krisha's friend! I heard... you and Ken... broke-up?" Marahan siyang tumawa. Hindi ako umimik at tinitigan lamang ito. Isa pala ito sa sosyal na friends ni Ken noon. "Third party ba ang dahilan? D

