Nagpatuloy pa si Jing sa pagkukwento niya hanggang sa biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Alette na basang basa. "Oh? Napadalaw ka?" takang tanong ni Jing. "Masama ba huh? Ang alam ko kasi may naghihingalo akong pasyente dito eh" sarkastikong saad ni Alette. "Naghihingalo? Sino? Nasaan? Saan?" nagmamaang-maangan pa na tanong ni Jing. Wala namang tumawa sa biro niyang iyon kaya natawa kami nang bigla itong magreklamo. "Tumawa naman kayo..." nakangusong saad nito. Hindi napigilan ni Alette na matawa sa reaksyon niyang iyon kaya pati ang basang sapatos ay naihagis sa mukha ni Jing. Bulls eye! "Ano ba Alette! Basa ka eh! Kadiri!" reklamo nito habang pilit na pinapagpag ang damit na nabasa. Hindi naman siya pinansin ni Alette na diretsong pumasok sa loob ng kwarto. "Loko tal

