Third Person's POV Abala ang binata na si Azriel sa pagtingin sa paligid. Kasalukuyan niyang hinahanap si Vera dahil ngayon sila dapat magkikita.Tumingin siya sa kanyang relo at mukhang sakto lang naman siya sa oras tulad ng napag-usapan. Iginala niyang muli ang paningin sa paligid. Tulad nang unang beses na pumunta siya sa lugar na ito ay nagkalat pa rin ang iba't ibang techs na kasalukuyang binuksan para sa publiko.Marami-rami na rin ang mga tao sa paligid, salungat sa dami ng mga robots na pagala-gala habang iniinspeksyon ang mga taong pumapasok sa building. Maya-maya pa ay napadako ang paningin ng binata sa isang babaeng nakangiti habang naglalakad papalapit sa kanya. "Vera!" malakas na tawag ni Azriel at tuluyan nang magkaharap ang dalawa. Nagulat pa ito nang mapansin ang isang

