Jing PoV "Anong kailangan mo,Kren?" matapang na tanong ni Azriel. Sa halip na sagot ay nakakalokong ngiti lamang ang isinukli nito. Napa kuyom ang mga kamao ko. Para siyang nakakaloko ng tao ah! Tsk! "Teka lang... hahahaha relax. Wala naman akong gustong gawin eh. Dinalaw ko lang itong kaibigan ko," nakangiting saad nito saka itinuro si Thye. Nakangiti lang naman si Thye pero ang sarap dukutin ng mata! Arghh!! Matiim kaming nakatingin sa dalawa habang nakangiting nakatingin ang mga ito sa amin. May mga dumadaan na ibang tao kaya naman nagkunwari pa ang mga ito na ayos lang ang lahat. "Talaga ba?" mapaglarong tanong ni Azriel. "Dapat sana ay tinanong mo na rin kung kamusta na ba ang puso niya sa sobrang itim na ng budhi niya," dagdag pa ni Az. Napayuko si Kren at mas lumapad ang p

