PUMUNTA ako sa kwarto ko. Pagkatapos kong ilagay sa kabinet lahat ng gamit kong dala ay naligo muna ako.
Pagkatapos kong maligo, inilibot ko ang tingin sa kwarto ko, my terrace, maliit na coffee table at sa gilid my sofa kaharap ang TV my isang Queen size bed my sariling cr din. Malinis, maaliwalas sa paningin paniguradong pinaalagaan to ni mommy. Umupo muna ako sa kama ko habang nagpupunas ng buhok at nagbihis pagkatapos.
Kinuha ko ang cellphone ko, inactivate ko lahat ng accounts ko sa social media at ilang saglit lang ay nakatulog na ako ng hindi ko namamalayan.
ZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzz...........
KINABUKASAN
*CRiiiiiiiiinnnngggggg....
*CRiiiiiiiiinnnngggggg....
*CRiiiiiiiiinnnngggggg....
(alarm clock yan:D)
Naalimpungatan ako sa isang malakas na tunog. Ano ba yaaaaaan....
Haaaays nakakaantok pa :( gusto ko pang matulog. Hindi ko yun pinansin at natulog ulit...
Maya maya pa......
"Mom.. mom.. .mom... Mommy wake up."si andrew. Hindi yan titigil hangga't hindi ako gumigising. Kaya wala akong choice kung hindi ang bumangon nalang.
"Yess baby, I'm up. Come here give mommy a kiss" pabebe kong sabi sa kanya tsaka ako umupo sa kama at lumapit naman siya sa'kin at hinalikan ang pisngi ko. Yinakap ko siya ng mahigpit.
"Mom? I can't breath"
"I love you so much baby"
"I love you too mom, now wake up. Mamita ang grandpa's gonna play with me today they're going to bring me somewhere"
"Really? That's good. Can I come with you?
"Hhhhmmm.... Let me think about it" parang nag iisip pa kunwari, natawa nalang ako sa kanyang ka kyutan at sinakyan nalang siya.
"What? Are you serious baby? Me? Your mom?"
"Alright. You can come :-D"
"So let's get you ready. Are you excited?"
"Yes, Of course mom. Play... Play... Play... Play... We will play" pakantang aniya.
"But before that, we have to eat breakfast first. Okey?" Tumango siya at nagpaunang maglakad sakin pababa. Tumayo naman ako at pumunta muna ng cr. Naghilamos at nagsipilyo bago bumaba.
.
.
.
.
.
DINING area.
Nadatnan ko sila mom and dad sa hapagkainan kasama na si andrew na kumakain na mag isa.
Sa edad na apat na taon, marunong na siyang kumain na hindi inaalalayan pero makalat pa rin kung kumain kaya minsan sinusuboan ko siya lalo pag wala yan sa mood.
Kapag excited lang yan hindi nagpapasubo sakin, sasabihan pako niyan noon na 'im a grown man mom I can do it myself' oh diba? Taray kung makapag salita akala mo alam na lahat eh (^_^).
"Good Morning mom, dad." Saka ako lumapit sa kanila at humalik sa pisngi nila binati naman nila ako pabalik. "Saan kayo pupunta ngayon? excited to'ng bata, ginising pa ako" sabi ko at umupo sa katapat na silya katabi ni andrew.
"Diyan lang sa mall anak. Ipapasyal namin si drew at wag kanang sumama alam ko'ng marami ka pang aasikasohin"
"Ah, ganun ba? oh eh di sige. Kayo na muna bahala ky drew" bumaling naman ako sa anak ko. "Baby, sila mamita muna kasama mo ngayon ha? Miss na miss kana nila eh. Para makapag bonding naman kayo" nakangiti kong sabi sa kanya.
"Okey mom" yun lang at nagpatuloy siyang kumain.
"Aiye. Asikasohin mo muna yung mga papers mo para makakapag simula kana sa lunes" si dad yan..
"Yes. Dad, actually prepare na siya lahat. Ang kulang nalang sa'kin eh yung diploma ko nung collage ko dito yon nalang muna ang lalakarin ko ngayon."
"Oh? Hindi mo ba nakuha yun nak?" Si mommy.
"No mom. Remember? I was heartbroken that time and hindi ko yon nakuha kasi nag ta'travel kami ni sheena nun—" natigilan ako sa pagsasalita ng my maalala ako at tiningnan si andrew.
Narinig kong bumuntong hininga ang parents ko.
"Anak. Hindi mo ba talaga ipapaalam sa kanya? My karapatan pa rin siya dahil siya ang ama." Nangungumbinsing aniya ni mommy.
"Oo, nga naman aiye. Paano kapag nakita niya ang bata? Hindi impossibleng makilala niya ito dahil sa itsura pa lang malalaman mo na." Sunod ni dad.
"Mom? Dad? Let's stop this. Okey? Pinag uusapan na natin to noon pa man. Diba? And I don't even have the guts to face him. Baka nga hindi niya maalalang my nangyari samin. Tsaka! Para saan pa? Kaya kong buhayin ang anak ko." Mahabang litanya ko sa harap nila. Napa iling silang dalawa. Kasalanan ko pa ba? Kung ayaw kong ipaalam sa kanya? Ayaw ko, ayaw ko dahil baka masaktan lang ako sa sasabihin niya.
"Enough. Nandito tayo sa hapag kainan. Naririnig tayo ng bata" si mommy. At natahimik kami, tinapos namin ang umagahan at naghahanda na sa pag gala nila. Binihisan ko si andrew at ipinag pack ng gamit na dadalhin.
Kahit my yaya siya ay hands on pa rin ako sa pag aasikaso sa kanya. Kapag pagod lang ako ay ang yaya niya na ang mag aasikaso. Kaya ito si manang beth, 4 years na din siya sakin, pinay din isinama lang namin nong pumunta akong america para my kasama ako kapag uuwi sila ni mommy dito sa pinas.
Mabait naman siya, parang nanay ko na rin at maalaga kaya hindi ko na talaga binitiwan. Minsan kana lang makakahanap ng matinong yaya ngayon.
"Manang, heto na ang mga gamit ni andrew. Bantayan niyo po ng maigi yan ha? Ang pawis sa likod, hindi dapat matuyoan. Lagyan nalang po ninyo ng towel sa likod at manang painomin mo siya ng tubig ha? Kapag gutom, sabihan mo sila mommy—" Naputol ako sa pagsasalita ng hawakan niya ako sa magkabilang braso.
"Nak. Wag ka masyadong mag alala ha. Marami kaming kasama niya, ipahinga mo muna ang sarili't utak mo" .saad ni manang beth, napangiti naman ako. Anak na rin kasi turing niya sakin at nakikita ko naman ang pagmamahal niya ky andrew at sakin kaya gumaan ang pakiramdam ko. Naghihisterical ako kapag hindi kasama si andrew. Pero, dapat kong sanayin ang sarili ko dahil mapapadalas ang paglalayo namin lalo na ngayong nandito na ulit ako sa pinas.
Natural na HINDI maiiwasan ng isang ina ang mag aalala sa kanyang anak. Kaya ganoon nalang ako kabahan kapag hindi ko siya kasama, nasanay kasi akong nasa tabi ko siya palagi. Mahal na mahal ko yang anak ko na kahit sino mang nanliligaw sa akin doon sa america ay kahit isa hindi ko pinagtuunan ng pansin.
'oh baka naman my hinihintay ka?'
My conscience soundid like. What the heck?!!!! No. Wala akong hinihintay.
'oh? Talaga bakit parang meron?'
Hindi ko nalang pinansin, dahil nakakabaliw na isip mo mismo ang kausap mo
at Maya maya pa...
"Mommy.. mommy.. mommy... I'm gonna plaaaay.... Yey.. i'm gonna play". Masayang sabi ni andrew habang nagtatalon pa. Napaka hyper na bata basta laro at gala na ang pinag uusapan. Well lahat naman siguro, I think. Basta nakikita ko ang masayang mukha niya masaya na rin ako, kapag nalulungkot siya at nagkasakit, nalulungkot rin ako. Hays. Iba na talaga pag naging ina kana.
"Yes. Your going to play with mamita and grandpa and nanay beth. You have to behave or else no more playing. Do you understand Ryliegh Andrew Chua" .sabi ko na binanggit pa ang buong pangalan niya sinyales na seryoso ako at hindi nagbibiro.
"Yes, Mommy Reign Aiyeleigh Chua I understand Very well". .natawa ako sa kanya dahil ginaya niya din ako. Ganoon kami mag usap kapag seryoso na. He can fluently speak despite of his age and his intelligent also, ikaw pa sasawayin niyan minsan, magaling magturo yong nursery na pinasukan niya sa america. I hug him and kiss his forehead. Lumabas na kami sa kwarto at bumaba nandun na sila mommy at daddy sa sala. Mukhang kami nalang ang hinihintay.
"Ready to go young man?" .sabi ni dad ky andrew ng makababa kami.
"Yes, Grandpa" .sagot ni andrew
"Okey. Let's not waste our time anymore. Everything set? Manang beth let's go. Yung mga gamit ni andrew nandyan na?" .si mommy yan at inihatid ko sila sa sasakyan. Ng makasakay silang lahat ay bumaling ako ky andrew na katabi si mommy. Pinagitnaan nila dad si andrew. Nasa front set naman si manang beth at si kuya rey ang nagdrive sa kanila.
"Baby. You have to behave well. Understand? Don't stress nanay beth too much" .sabi ko sa kanya at tumango lang ito sakin. "Ingat kayo. Text niyo ko kapag kinakailangan"
"Kami ng bahala. Ikaw rin, mag ingat ka sa lakad mo. Tayo na rey" si mom at kumaway lang ako sa kanila habang paalis ang sasakyan. Nang makaalis ipinasara ko na sa guard ang gate. At pumasok sa loob ng bahay, nagtungo sa kwarto at sinimulan ang araw ko.
*********************************
Keep on reading!
Wabyooo:-*