MABILIS AKONG NAGKUWENTA sa isip ko kung magkano ang mga baryang naipon ko. When I say barya, hindi lang coins ’yon na piso-piso—that means paper bills too, na mababa sa isang libong piso. I thought I would survive kung twenty pesos na lang ang baon ko araw-araw sa school. “Are you serious?” tanong ko. “Yes.” “Okay. Bon appétit!” Tumalikod ako sa kaniya pagkatapos kong kuhanin ang mga gamit ko sa school at nagsimulang tahakin ang pasilyo papunta sa maid’s quarters. Siguradong nandoon na ang mga gamit ko ngayon. “Where are you going?” iritadong tanong niya sa akin. “Sa kuwarto, magpapalit ng damit.” “What?!” Napaikot ang mga mata ko. This was hilarious. Siya pa yata ang hindi makaalala ng kundisyon niya. “Didn’t you say sasalo ako sa o twenty-five pesos na lang ang baon ko?” “And?

