Kahit ano pang gawin ni Argus ay hindi na niya mapipigilan pa ang takbo ng mga susunod na pangyayari. Kahit nga ang mga kinilalang pamilya o mga magulang ni Shahara sa mundo ng mga tao ay hindi na mapipigilan pa ng mga ito si Emang. Kahit sobrang sakit para sa mga ito ang pag-iwan ni Emang sa kanila ay wala na ang mga itong magagawa. Mga alas singko lampas ng hapon ay nagulat nalang ang batang si Reyah nang isang kulay abuhin na kabayo ang biglang dumating sa kanilang likod ng bahay at may maganda at malaking kalesa itong dala. Walang taong nakasakay sa kalesa ng kabayo ngunit may mga karga itong dalawang malalaking baul na kulay brown at kapwa makikintab ang mga iyon. "Nay! Tay!" Humihingal na sambit at tawag ni Reyah. " Oh bakit Reyah?" Takang-tanong ng mag-asawang Andoy at Lucia.

