At labis na lang nagulat ang Princesa nang sa isang kisap-mata ay biglang lumalabas ang iilang nagbabagang mga apoy mula sa matalim na dila ni Pinunong Abwak, at iyon ay puntirya sa kanyang kinaroroonan! Muli siyang napahiyaw nang siya'y matamaan ng isa sa mga apoy na itinira ng pinuno ng tribu! at di niya inaasahan na ganoon kabilis ang kapangyarihan ng masamang Pinuno kaya di man lang siya nakailag sa itinira nito sa kanya. Madali naman siyang nakahiling agad ng isang panangga o depensa laban sa mga nagbabagang apoy mula kay Pinunong Abwak! Nanlaki ang mga mata ni Pinunong Abwak nang makitang biglang nagkaroon ng hawak na panangga ang Princesa laban sa kanyang inihagis ritong kapangyarihan, kaya ang mga apoy na kanyang sinigundang ipinalabas mula sa kanyang dila ay hindi ang mga iy

