Muling sabay na tinaga sila ng tatlong lalaking taga tribu habang ang mga ito'y kapwa nakangisi. Ngunit di naman madaling matatamaan ang binatang Antingero dahil sa bilis ng mga kilos nitong umiwas. At si Emang naman ay hindi naman niya alam kung saan siya kumuha ng idea kung bakit siya'y nakaiwas din sa pagtaga ng mga ito. Isang mabilis na pagganti ng pagtaga ang ginawa ni Argus at sumabay naman si Emang nang gumanti ang binata. " ARrrgggjjhhh!!!" Hiyaw ng dalawang lalaking taga tribu dahil ito'y natatamaan sa pagganti ng binata. Subalit hindi iyon dahilan upang susuko na ang mga ito. Parang balewala lang sa mga ito ang sugat na tinamo. Nakalimutan pala ni Argus na may mga Anting-anting din ang mga ito kaya di ganoon kadaling mapatumba niya ang mga ito na hindi rin niya gagamitin

