Pagdating ko sa Manila hindi ko muna sinabi kay Kate na dumating na ako.Gusto ko mag isip dahil pakiramdam ko nababaliw ako sa kakaisip dahil sa sinabi niya. Bandang alas sais umuwi ako sa bahay ng parents ko,doon na rin ako kakain ng hapunan. "Magandang Gabi Senyorito Zack"-bati sa akin ng Guwardiya. "Good Evening, dumating na si Daddy?"- "Yes Sir,kanina pa"- Tumango na lang ako at pumasok na sa loob ng bahay. Nakita ko si Zen sa Sala na nagbabasa ng aklat, "Kuya!"- Napangiti ako ng tumakbo ito palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "I missed you Kuya"- Inayos ko muna ang kanyang salamin sa mata. "Bakit hindi mo pa rin tinatanggal ang salamin mo?"- "Malabo pa rin kasi ang aking mga mata at ayaw ko ng contact lens"-nakasimangot na sabi niya. "Kahit may salamin ka pa, sobr

