Pagdating sa company ni Sir Roice,pumirma lang ako saglit at napag alaman ko na si Rhenz Bright ang makapartner ko.Sobrang tuwa ko dahil pinapangarap ko na makasama si Rhenz sa project na ito. "Sige po,papirmahan ko na lg po ito kay Sir Roice pagdating"-ani ng sekretarya. Nagpaalam ako kay Ma'am Joan na sa lobby ko na siya hihintayin.Umupo muna ako sa isang bakanteng upuan. Habang nakaupo nagmamasid ako sa palagid. May nakita akong buntis na babae ,nagmomop ito ng sahig.May kalakihan na ng konti ang tiyan niya.Tumigil ito sa pag mop at umupo ito sa tabi kong upuan. "Hi"-bati ko dito. "H-Hello"-parang nahihiyang sagot niya. Ang ganda niya sobra,pero nakikita ko ang hirap sa mukha niya. "Okay lang ba sa company na nagtatrabho ka dito kahit buntis?baka madulas ka po"- "H-ha.Ah okay l

