Ayan na naman! Pagkamulat agad ng mata ko, bumabaliktad na naman ang sikmura ko. Suka ako ng suka pero kunting tubig lang ang lumalabas sa bibig ko. Panay naman ang punas ko na aking luha at sipon. "Kara!"- Narinig ko na ang kalampag ng pinto. Panay ang tawag sa akin ni Zack. Nakaupo ako sa sahig habang nagduduwal. "Ayoko ko na talaga!"- naiiyak na ako kasi sobrang sakit na ng tiyan ko sa kakapuwersa ng pagduduwal ko. "Kara?!"- Tumingin ako sa pinto. Nakapasok na si Zack sa kuwarto ko. "Baby,what happened?"- Panay naman punas ko ng aking luha. Sumuka ulit ako. Panay din ang himas ni Zack sa aking likod. "I'll take you to the hospital "-diin na pagkasabi nito. "Ulcer lang ito"- "Kailan pa yan nag umpisa?"- Tumingin ako dito, sobrang lalim ang tingin sa akin. "Kahapon lan

