Sobrang nawiwili ako sa pamamasyal,hindi ko na namalayan ang oras. Tiningnan ko muna ang cellphone ko dahil nag email si Ma'am Joan sa akin. Napabuntonghininga ako,may ticket na daw ako at bukas na agad ang flight,minamadali ako pinapauwi dahil mag sisign ako ng Contract sa company ulit ni Sir Roice bilang endorser ng Wine company nila.Dati ako rin ang kinuha nilang modelo,at kinukuha ulit ako. Umuwi na ako sa bahay nila Sir Jaime. Nakita ko si Zack na nakaupo sa Garden na naninigarilyo ito . Nakatingin ito sa akin,hindi ko na ito pinansin. Dumiretso na ako sa kusina para kumain.Namiss ko na ang triplets,uuwi na ako bukas hindi pa sila naka uwi dito. "Kara halika na ,kumain"- Nginitian ko lang ang mga kasambahay ni Sir Jaime,ang babait nila. Umupo na ako. Napatingin ako sa pagka

