KEANNO'S POV-- Napahilamos siya sa mukha sa matinding inis. Kung kailan natapos na ang problema niya sa kompanya ay mukhang sila naman ni Sasa ang may problema. Apat na araw itong ilag na ilag sa kanya na para bang may nakakahawa siyang sakit. At ang ikinaiinis niya ay wala o pagod ang sagot nito tuwing tinatanong niya kung may problema. Nasa loob siya ng opisina niya at inip na inip. Wala naman talaga siyang balak pumasok dahil gusto niyang makabawi sa mag ina. Kaya lang ay mukhang naiilang si Sasa kapag nasa bahay siya at ayaw lumabas ng kwarto nito. Muntik na niyang sugurin ito sa loob ng kwarto at komprontahin pero ayaw lang niyang mas magalit ito sa kanya. Fuck! Nagalit ba ito dahil noong mga nakaraang linggo ay busy siya at halos minsan lang sila magkita? Halos sa opisina na si

