SASA'SPOV-- Umaga palang ay abala na ang buong tauhan sa Hacienda. Harvest kasi ngayon sa manggahan at nais ni Sasa na tumulong. May mga babaeng nag tatrabaho sa hacienda, Kung hindi asawa ng trabahador ay anak naman. Maswerte ang mga tauhan dito dahil bukod sa may insurance ang lahat ay may libre ding paaral ang lahat ng anak ng mga trabahador. Nakakasundo na niya minsan ang mga asawang babae sa loob ng hacienda. Marami ring kadalagahan na minsan ay nagtutungo rin doon para tumulong. Kahapon lang ay nag resign siya sa trabaho sa online. Next week kasi ay magsisimula na ang trabaho niya kay Damon. Si Zeki naman ay nasa daycare center ngayon. May maliit na skwelahan ang loob ng havmcienda para sa mga batang kaedad ni Zeki na gustong mag-aral. Kaya nga panatag siyang kahit hindi niya kas

