SASA'S POV-- Nagpatuloy ang ganoong sistema sa pagitan ni Sasa at Keanno. Mahagit isang linggo na ang lumipas na pabalik-balik ito sa bahay niya sa parehong rason. Para daw kay Zeki. Naiintindihan niya ang lalaki dahil ipnangako na niya sa sariling hindi na magiging selfish pagdating sa bata. Ang problema lang naman niya ay kapag nagkakalapit sila ng lalaki. Para bang ang tensyon sa pagitan nila ay hindi man lang bumaba buhat ng may mangyari sa kanila. As if she felt their bodies connection. Parang may sariling isip ang katawan niya at palaging hinahanap ang init na tanging si Kean lang ang nag-iisang gamot. Ilang araw na silang dalawang nagpipigil, dahil nararamdaman din niyang ganoon ito. Katulad nalang ngayon na wala siyang pasok. Kakagaling lang ni Kean sa Daycare Center at hinati

