SASA'S POV-- Hinihingal si Sasa ng makarating sa loob ng bahay niya. Napahawak siya sa dibdib at humugot ng napakalalim na hininga. Hindi parin maampat ang panginginig ng tuhod kaya napasandal siya sa sandalan ng upuan at tumingala sa bobong ng bahay. Hindi parin siya makapaniwalang sa laki ng effort niyang magtago ng isang taon ay ganon na ganon lang sila magkikita ng lalaki. She wasn't really expecting that she would saw him this soon. Wala naman siyang balak magtago habang buhay dahil may anak sila ni Kean. Nang malaman niyang darating ito sa hacienda mula kay Damon ay plano niya sanang mag hotel muna sa araw na iyon. Ngunit ang hindi niya naisip ay ang pagdating nito na walang abiso. Or baka siya lang ang hindi nakakaalam? Dahil kung pagbabasehan ang reaksyon ni Damon ay hindi nama

