Chapter 8 It Makes Me Wanna be Selfish Natigilan kami pareho nang biglang magising si Mikel at umiyak. Biglang napaupo nang tuwid si Yael at sinulyapan si Mikel na kasalukuyan kong pinapatulog ulit. Mukhang tensyonado si Yael dahil sa biglaang paggising ni Mikel. "A-ang ingay mo kasi..." nasabi ko na lang. "Sorry, sorry." He wet his lower lip while briefly glancing at Mikel. Ilang beses akong napakurap dahil akala ko ay magtatalo nanaman kami dahil sa sinabi ko pero nagkamali ako. Kapag si Mikel na talaga ang pinag-uusapan ay nagiging maamong tupa siya. Pinagpatuloy ko ang marahang pagtapik-tapik kay Mikel hanggang sa tuluyan na siyang makatulog ulit. "O-okay na. Nakatulog na siya ulit." Sabi ko na lang. He didn't answer; I just heard his relieved sigh. Ilang mi

