Chapter 22 Crazy I can feel Yael's tight grip on my waist... The way he holds me is just so possessive. Parang ano mang oras ay pwede akong hilain ng kung sino man. Papasok pa lamang kami ay sinalubong na kami kaagad ni Charla. "Sir, nandiyan po ang papa niyo, kanina pa ho kayo hinihintay." Tumango lamang si Yael at nagpatuloy na kami sa paglalakad papasok ng bahay. Bumungad sa amin si tito Viktor na nakaupo sa puting sofa habang may dalawang bodyguards na nakatayo sa gilid niya. Awtomatikong bumaling ang tingin ni tito Viktor sa amin at kaswal siyang tumayo nang makitang nandito na kami. His gaze towards Mikel didn't escape from my eyes. Hindi ko mabasa kung ano ang ekspresyon niya habang tinitingnan si Mikel. Ito ang unang beses na nagkita ang dalawa. Sand

