Last Chapter Tahimik lang na nagmamaneho si Yael simula sa loob hanggang sa paglabas namin sa village. Lapat ang kanyang mga labi habang seryoso lang siyang nakatingin sa daan at mukhang malalim ang iniisip. Gusto ko siyang kausapin but I don't know how to approach him. I'm afraid he'll stop me mid sentence. Mabuti na lang at nagnotify ang phone ko, dahilan upang maibaling sa iba ang atensyon ko. Tiningnan ko kung kanino galing iyon and they were all from my cousins and Colton, Jess, and Kaye. Kinakamusta lang nila ako, nabalitaan daw nila kay mama na nahanap na si Mikel. Nireplyan ko naman sila isa-isa, I was careful enough not to spill all the details to them. Ayoko lang masira ang mama ni Yael sa kanila. Muli kong ibinaling ang atensyon s

