Chapter 16 Good Mga alas dos na nang hapon nang makauwi kami. Buong ingat kong inilapag ang natutulog na si Mikel sa kama kung saan madalas matulog si Yael. Sigurado ako na mamaya pa ito magigising dahil pagod siya biyahe at busog rin siya dahil dumaan kami kanina ni Yael sa isang food chain bago kami umuwi. I was actually pissed at Yael because he kept on feeding Mikel a sundae that he ordered. Okay lang naman kung kaunti lang sana pero hindi, halos naghati na nga sila sa sundae. I can't believe him, his son is just one! Masyado niyang ini-ispoil si Mikel. Tiningnan ko si Yael na kakatapos lang isindi ang AC. He was just standing there while cracking his neck. Nang mapansin niyang nakatingin ako ay nag-angat siya nang tingin sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Make

