Chapter 28- The Eye Samantha's POV* Hinihingal ako habang nagja-jogging around the subdivision. I have to distract myself and do some other things para hindi ako masyadong tulala. I've been confused these past few days and I'm torn between fighting against that organization or remain quiet. Pero napapaisip ako, what if I never followed Keith? What if hindi ako nagpadala sa curiosity ko? Siguro hindi ako nag-iisip ng ganito, but hell, what I can do kung nagawa ko na? Napaisip ako sa nakita ko sa balikat ng lalaking pinatulog ko. What kind of a creepy tattoo or a symbol or a sign or whatever is that? I was glad na nakalabas ako ng buhay sa building na 'yon. Pagkarating ko sa highway nagulat ako nang makita ang sasakyan ni Mathew. Hindi ako nagdalawang-isip na lapitan ang sasakyan niya '

