Chapter 30- Can't Do It Samantha's POV* "The substitution of this value makes the equation..." Inaantok ako habang nakikinig sa Math teacher namin. I'm not really sure kung nakikinig pa ba ako. God knows what I'm doing. "I really envy Math, he's so brave," nakangusong sabi ng katabi kong si Natasha. Tinignan ko ang katabi kong si Math at natutulog siya. Namangha ako. Natatakot nga akong humikab kasi strikta ang Math teacher namin at siya ay tinutulugan lang? "A rule breaker," bulong ko. We were being careful dahil bawal rin makipag-usap sa katabi pag nagdi-discuss si ma'am. Kumunot ang noo ng lahat nang tumigil ang teacher sa pagsusulat sa board. Nilingon niya ang direksyon namin kaya kinabahan agad kami. Iniwas namin ang aming mga tingin at nagkunwaring nagsusulat sa notebook. "Mat

