Chapter 5- Friend or Foe?
Samantha's POV*
WELCOME TO DAVIDSON ACADEMY
Nakatingin lang ako sa gate ng academy at nanatiling nakatayo sa harap. I hate gossips and attention kaya nagdadalawang-isip ako kung papasok ba ako o hindi. Should I ditch my classes again? It would be a good idea pero ayoko namang ma-disappoint si mom at dad.
"Sammy!"
Nabigla ako nang may yumakap sa akin at muntik na kaming matumba. What the hell?! Sino ba siya? Ba't bigla na lang siyang yumayakap?
"S-Sammy! I-I missed you! Balita ko andito ka sa campus kahapon! Ba't di ka pumasok? T-Tsaka nakalimutan mo na rin ba ako?" sabi niya and she's crying!
I was about to ask her pero nakita kong may ID siya. Nakalagay doon ang pangalang ZENNY ROMUALDEZ. Basa ang buhok nitong maikli na hanggang balikat lang. May glasses siya and her hair is golden brown. Maputi ang mga ngipin nito at kulay tsokolate ang kanyang mga mata. May mataba rin itong pisngi na masarap kurutin. Ibinagsak niya sa lupa ang mga librong hawak niya at niyakap ako! Kawawa naman ang libro.
Tinignan ko ang mga librong nasa lupa at nakita kong galing pala ito sa library dahil sa seal na nasa gilid nito. So that must be the reason kung bakit masyado siyang maaga.
"Hindi ka naligo," iling-iling na sabi ko. Nagulat naman siya sa sinabi ko at pinulot ang mga libro.
"Sa lahat talaga ng pwedeng pambungad yan talaga, Sammy? Pero paano mo nalamang hindi ako naligo eh basa ang buhok ko?" sabi niya. I chuckled.
"Binasa mo lang ang buhok mo at nag-shampoo ngunit di mo na binasa ang katawan mo. May due date ang mga librong nasa lupa at kailangan mo itong isauli sa library kaya pumasok ka ng maaga dahil medyo malayo pa ang library. Wala ka ng panahon maligo kaya nag-shampoo ka na lang," litanya ko.
"Err, wala talaga akong maitatagong sekreto sayo!" she exclaimed. I grinned at her at inilapit ang mga bibig ko sa tenga niya para bumulong.
"Saka may muta ka pa," I said and smirked. Naglakad na ako palayo ang I heard her shout my name pero di na ako nag-atubiling lumingon.
Wala pang masyadong estudyante. Wala pa ang mga tsismosang nagtsi-tsismisan sa isang gilid at pinagtitinginan ka. Nakahinga ako ng maluwag dahil masyado talaga akong naiinis kapag andiyan ang presence nila.
"Sabay na tayong pumasok sa room, Sammy! Since maaga pa naman samahan mo muna ako sa library!" excited na sabi niya. She is a bubbly person. Wala sa mukha niya na ganito pala siya kaingay.
"Yeah," tipid na sagot ko. Hindi ko naman alam kung nasaan ang room ko and I'm positive na magkaklase kami dahil nakita ko sa ID niya na parehas kami ng section.
Naging tahimik kaming dalawa. Parang bumibigat ang bawat hakbang ko habang paakyat kami ng hagdan papunta sa second floor ng library. Parang may naaalala akong nangyari dito at parang masama ito.
"Stop that! Balak mo bang magpakamatay?!"
"I wanna die, Samantha! Please let me go!"
"Kung gusto mo nang mamatay edi magpakamatay ka na!"
"Oo! Sawang-sawa na ako!"
"You are a coward! I thought you are brave but you easily gave up!"
"You can easily say that dahil wala ka sa sitwasyon ko! Dahil sa totoo lang, kasalanan mo ang lahat ng 'to! Pinatay mo si Rebecca! Mamamatay-tao ka!"
Napaupo ako sa sakit ng ulo. Napasigaw ako sa sakit at parang mabibiyak na ang ulo ko. My tears flowed from my eyes.
"Sammy! Are you okay?" rinig kong sigaw ni Zenny. Tila kumalma ako at unti-unting nawawala ang sakit ng ulo. I remembered some images in my mind at di ko matukoy kung sino ang babaeng kausap ko but I'm sure she is someone close to me.
"Y-Yeah, may naalala lang ako." I said and forced a smile. Nakahinga naman siya ng maluwag at inalalayan akong tumayo. Her touch made me flinch a little and suddenly I felt uncomfortable seeing her. What was that? Is she the girl na gustong magpakamatay?
She entered the librarian's office and came out shortly at may hawak na siyang slip. That means nasauli na niya ang libro. She smiled at me saka lumapit sa akin. Naglakad kami pababa ng second floor.
"Do you know someone named Rebecca?" I asked. She stiffened at literal na nanigas sa kinatatayuan niya. I acted at hindi nagpahalatang naghihinala ako sa ikinilos niya.
"Y-Yeah, that b***h is bullying us! She deserved to die!" galit na sigaw niya. Sa tono ng pananalita niya parang malaking-malaki talaga ang galit niya at parang may malaking atraso si Rebecca sa kanya.
"You think I killed her, Zenny?" tanong ko. Napaiwas naman siya ng tingin sa akin.
"W-We hate her but y-you can't do that," sabi niya. Tumango nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Naramdaman kong sumunod naman siya sa akin.
We remained silent at since hindi ko alam kung saan ang room namin, pinauna ko siya sa paglalakad. Nakatingin lang ako sa likuran and tried to remember something about her but unfortunately wala akong napala.
"You are wrong about what you said earlier Zenny," I said. Napatigil naman siya sa paglalakad at tinignan ako. Nakakunot ang noo niya habang hinihintay ang sasabihin ko.
"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong niya. I stepped forward and leaned closer to her para bumulong. Magkaparehas lang kasi kami ng height eh.
"You said you can't hide a secret from me," bulong ko. Napalunok naman siya. "Who are you Zenny? I can't wait to know what you're hiding."
I left her standing at naunang maglakad. Di bale nalang, there are so many students I can ask about my section so probably I don't need her as my tour guide. For now, I can't trust anyone because I don't know who's pointing a knife at my back. I don't know who the enemy is.
Nilapitan ko ang isang estudyante na nakatayo sa isang gilid at parang may hinihintay dahil nakatingin ito sa phone nito. Maganda siya at mataas, mataray siyang tignan dahil sa kilay niya, medyo mahaba ang itim at straight nitong buhok. Maikli naman talaga ang skirt namin pero nagmumukha itong mas maikli sa kanya dahil long-legged siya.
"Excuse me, do you know where Class 2-A is?" nakangiting tanong ko. She looked at me and was surprised to see me na para bang kilala niya ako.
"Oh, the loser is here," nakangising sabi niya. I regretted asking her dahil una sa lahat ayaw ko ng gulo. Seeing the way she looks at me I can tell she is one of the bullies who's after me.
Hindi ko na lang siya pinansin at tinalikuran siya. But before I can take a step forward she grabbed my arm in a harsh way. She smiled at me saka sinabayan ako sa paglalakad.
"We're classmate nerdy, sabay na tayo." sabi niya. Hindi nalang ako nag-reklamo dahil hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko. It would be rude if I would just pull my hands harshly. But I realized I'm rude so why not?
"We're classmates but I assume we're not close so wag kang FC," I said and pulled my hand away from her. I hate the way how harshly she grabbed me earlier so there's no way I'm going to be smooth on her!
"Still acting high nerdy? Hanga rin ako sayo 'no? Ang taas pa rin ng confidence mo even after you killed my best friend!" galit na sigaw niya. Napatigil ako sa paglalakad.
So she is the best friend of the girl named Rebecca. I heard Rebecca was bullying us and maybe I grew tired of her bitchiness that's why I killed her. But no, I did not kill her. I am not that kind of person.
"What should I do? Bow down to you? Why? May ebidensiya ka na pinatay ko nga ang kaibigan mo?" I said at tinaasan siya ng kilay. She glared at me.
"Everyone says that and besides you are a demon!" sigaw niya. I laughed evilly.
"I pity you to have a very unreliable source. I thought you are someone more decent, but you are also cheap just like the gossipmongers out there," I said at nginisian siya. Naiyukom niya ang kamao niya. That's right, show your fangs bitchy snake.
"How dare you!" sigaw niya at sasampalin sana ako ngunit nahawakan ko ang kamay niya. I gave her a smug look.
"I can defeat you with words, how much more if I use violence? Shall I crush your bones into pieces?" nakangising sabi ko. I can see fear visible in her face pero pinilit niyang itinago 'yon.
"I am Sophie Davidson, the daughter of the owner of this school!" pagmamalaki niya. I rolled my eyes in annoyance.
"Not all the times you can use your power and authority to others. That's what makes you weak," nakangising sabi ko. Other people would appear to be strong dahil may kapangyarihan sila but in fact, they are the weak ones who can't live without power.
"I'm telling you, stop messing with me dahil alam natin kung sino ang nakakalamang sa ating dalawa," sabi ko at binitawan ang kamay niya in a harsh way. Napa-aray naman siya.
Pumasok ako sa room na may nakalagay na Class 2-A. I am a Senior High Student, specifically a Grade 12 student, sana college na ako ngayon kung walang K-12 Program.
Pagkapasok ko dun nakatingin sa akin ang mga kaklase ko. Doon ko lang na-realize na late na pala ako. My efforts for waking up very early were wasted. Kasalanan talaga 'to ni Zenny at Sophie.
"Welcome back, Ms. Go!" nakangiting sabi ng teacher na nasa harapan. Tinignan ko siya na parang naiirita but my eyes sparked when I saw how handsome he is. Is he even a teacher?
"Good morning Sir," pagbati ko. Tinignan ko ang badge niya and it says that his name is Ryuteki Caleb. He looked so familiar dahil siguro teacher ko siya.
"Take your seat, Ms. Go." nakangiting sabi niya. I nodded at naghanap ng empty seat.
May tatlong empty seats. Ang isa ay nasa likuran at katabi ng bintana. Katabi rin ng seat na iyon si Math na natutulog. What? Classmates kami?
Ang isa naman ay nasa front row at katabi rin sa bintana. Nakita ko naman si Joules na katabi ng empty seat and he's smiling at me. Classmates rin kami?
I chose the seat na katabi ni Joules. I don't know why pero naa-awkward ako kay Math after sa nangyari sa rooftop. I think I just showed him my weak side. I am embarrassed by my sudden outburst.
"Ms. Go, diyan nakaupo si Ms. Davidson," nakangiting sabi ni Sir Ryuteki. I smiled awkwardly at naghanap ng isa pang vacant seat. May nakita akong isa sa gitna and I smiled. I was about to sit in there nang may pumasok sa room.
"I'm sorry I'm late Sir," sabi ni Zenny. Pumunta siya sa upuang pupuntahan ko sana. Darn, ang malas ko naman!
I guess wala akong choice kundi umupo sa tabi ni Mathew Alberts. Pagkaupo ko dun I did not even glance at him. Kung sa bagay, natutulog naman siya. Seriously? Ang aga pa kaya! Don't tell me hindi siya natulog?
"So class, we are already done with Chapter 1, let's proceed to Chapter 2. It is about knowing your blood type," sabi ni Sir. Some of my classmates groaned and some are giggling at halatang excited na sila. Sir Ryuteki is our science teacher by the way.
"Since it's almost time, bukas nalang tayo pupunta sa laboratory. I'll give you an EASY assignment," sabi ni Sir. My classmates groaned again. Tsk, the perks of being a teacher.
"Get a blood sample from each of your family members. Don't ask them kung ano ang blood type nila dahil yan ang magiging task niyo kapag pupunta tayo sa laboratory tomorrow. Know their blood type by using antibodies and find out if the blood cells coagulate or not," paliwanag ni Sir. Bigla akong naging interesado. I have a plan in my mind and thanks to Sir Ryuteki's assignment for us.
*bell rings
"Goodbye class!" paalam ni Sir. Nagpaalam na rin kaming lahat at isa-isang lumabas ng classroom. Hindi ako lumabas ng classroom dahil 15 minutes lang naman ang break at hindi pa naman ako ginugutom. I was about to read a story on w*****d but I heard footsteps coming towards me kaya napaangat ako ng tingin. It was Sir Ryuteki.
"Hi Sam, I heard about what happened to you. Kung ako sayo hindi ako papasok! When I was a highschool student kahit konting sakit ng kamay, absent. Konting sakit sa mata, absent. You should grab the opportunity to have fun! Hindi masamang maging masama minsan," he said. Seriously? Teacher ba siya? He should be a good model for students at hindi 'yong turuan pa kung paano um-absent.
"Yeah, but those who are in school are also the bad ones," sabi ko. Bullies, gangsters, frats, ano pa ba? Mafias?
"Huwag mo nga akong englishin! Nosebleed ako dito!" he said. I thought he was just joking pero dumudugo talaga ang ilong niya!
"I-I'm sorry Sir," sabi niya at mas lalong umagos ang mga dugo sa ilong niya. I realized na nag-english na naman ako.
"Hindi mo kailangan mag-sorry Sam, basta andito lang kaming mga gwapo para suportahan ka," sabi niya. I mentally rolled my eyes. Kailan kaya magse-seryoso si Sir?
Sir Ryuteki kept on talking nonsense at tango lang ako ng tango. Parang baliktad nga eh, he should be the one who's supposed to be serious and not me. Nag-uusap lang kami hanggang sa nag-ring na ang bell.
(end of chapter)