Mel's POV MAG-ISA kong dinalaw si tatay. Pinagpahinga ko si nanay sa bahay. Napapansin kong pagod ito sa pagtatrabaho ng walang tigil. Kinakaya pa rin namin kahit na dalawa na lamang kami. Dalawang buwan na ang nakalipas nung nakulong si tatay. Wala pa rin pagbabago sa kaso at wala pa rin akong makitang liwanag para siya makalabas. Nakakapanlumo na wala akong maitulong para sa kanya, para makalaya ito mula sa kulungan. 'Di na pumasyal si Della sa University. Baka nauntog at natauhan. Dahil 'di naman talaga ako ang karapat dapat na babae para sa kanya. Ang babaeng dapat na gustuhin niya ay isang mayaman, maganda at iyong maraming ipagmamalaki. Kahit alin sa nabanggit ko ay wala ako 'nun. "Kumusta na po, 'tay?" nakangiting untag ko. Pero sa kabila ng ngiti ay nag-aalala pa rin. Tumatagal

